^

PSN Opinyon

Kasabwat

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Ika-2 bahagi)

Nang bumalik si Boyet sa bahay ni Pilo at habang nasa banyo ay nakarinig siya ng putok ng baril. Natagpuan niya si Marco na nakabulagta sa sahig, may tama sa ulo at puro dugo. Tinawag ni Pilo si Sonny at ibinigay ang mga papeles ng kotse pati susi nito. Nakaparada ang kotse sa malapit at inutos ni Pilo kay Sonny na dalhin ito sa bibili. Dinala ni Sonny­ sa sanglaan ang kotse at matapos suriin ay nagka­sundo sila sa presyong P130,000. Ibinigay ni Sonny ang susi ng kotse sa pulis na kapatid ng may-ari ng sang­laan. Sarado na noon ang banko kaya ipinaki­-usap ng pulis na kina­bukasan na lang babayaran ang kotse pero makulit si Pilo at nagpupumilit na makuha ang bayad kinagabihan na iyon.

Naghinala na ang pulis na kinarnap ang kotse kaya nang dumating sina Pilo at Sonny nang sumunod na araw ay dinampot sila ng mga alagad ng batas. Nagsisigaw si Sonny at pinagpilitan na siya si Marco pero dinala pa rin sila ng mga pulis sa presinto. Nang magkaroon ng imbes­tigasyon ay dumating si Boyet at nagpakilala bilang si Marco na may-ari ng kotse kaya pare-parehong kinasuhan sina Pilo, Boyet at Sonny bilang magkakasabwat sa krimen na carnapping with homicide.

Ang palusot nina Boyet at Sonny ay wala silang kina­laman sa krimen ng carnapping. Matagal na raw sila sa negosyo ng pagbili at pagbebenta ng mga sasakyan. Hindi raw nila alam ang tungkol sa ginawang pagpatay ni Pilo kay Marco at wala sila sa bahay nito nang mangyari ang krimen.

Matapos marinig ang magkabilang panig ay napatunayan ng korte na nagkasala sila Pilo, Boyet at Sonny sa krimen ng carnapping with homicide at hinatulan na mabilanggo ng habambuhay (reclusion perpetua) pati pinag­babayad ng danyos sa mga naulila ni Marco. Umapela sina Boyet at Sonny at nagpupumilit na si Pilo lang ang gumawa ng krimen. (Itutuloy)

KASABWAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with