Dry eyes: Parang may puwing lagi

Ang dry eyes ay karaniwang sakit ng mga nagkaka­edad. Narito ang mga sintomas ng dry eyes:

• Masakit, mahapdi na parang may puwing lagi.

• Pagkakaroon ng iritasyon sa usok at hangin.

• Pagkapagod ng mga mata, pagkatapos magbasa.

• Pagiging sensitibo sa ilaw.

• Pagluluha.

• Malabong paningin lalo na sa gabi.

Mga payo para mabawasan ang dry eyes:

• Subukang bumili ng mga over-the-counter na arti­ficial tears pang-dry eyes. Huwag gumamit ng mga eye drops na pang-alis ng pamumula sapagkat pala­la­lain nito ang sintomas.

• Iwasang ma-expose ang mga mata sa nakatutok na hangin tulad ng electric fan, air condition o heater. Huwag idirekta sa mata ang hair dryers.

• Ang sadyang pagkurap-kurap ng mga mata ay nakatutulong para kumalat ang mga luha sa palibot ng mata.

• Iwasang kusutin ang mga mata.

• Magsuot ng sunglasses sa tuwing mahangin sa labasan. Kung may plano mag-swimming, gumamit ng goggles.

• Huwag manigarilyo at iwasan makalanghap ng amoy ng sigarilyo. Iwasan ang iba’t ibang uri ng usok, tulad ng polusyon, pag-ihaw at pag-siga. 

• Kumunsulta sa doktor kung patuloy ang paglala ng kondisyon ng mga mata. Ang ophthalmologist ay maaaring magreseta ng iba pang gamot.

Show comments