^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dikit-dikit ang mga tao sa palengke

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dikit-dikit ang mga tao sa palengke

FORECAST ng Department of Health (DOH) kahapon, maaari raw abutin pa ng hanggang Enero 2021 ang problema sa COVID-19 kung hindi pa makakadiskubre ng bakuna laban dito. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang nagsagawa ng estimations ay ang mga scientist at mathematicians. Paliwanag ni Vergeire, ito ay estima lamang at maaaring mangyari ito kung hindi magsasagawa ng interventions sa pagkalat ng virus. Kahapon, nasa 4,468 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Posibleng mangyari ang sinabi ng Health official lalo pa’t nakikita na marami pa ring mga pasaway na nagsisiksikan at halos dikit-dikit na sa mga palengke, talipapa at kahit sa mga nakapila sa groceries. Hindi na naipatutupad ang tamang distansiya at tila balewala na rin ang kautusang manatili sa bahay para mapigilan ang paglaganap ng virus. Marami rin ang halos magkahalikan na habang nagkukuwentuhan sa pila.

Maraming palengke sa Quezon City ang dinagsa ng mga tao noong Linggo at wala nang nagpapatupad ng social distancing. Sa palengke ng Balintawak, tila hindi na kinatakutan ang virus sapagkat siksikan ang mga tao. Ang iba pa ay walang facemask. Harap-harapan kung makipagtawaran sa binibiling isda at gulay.

Ganito rin ang senaryo sa Muñoz at Novaliches Market na sobrang dami ng namimili noong Linggo. Para bang walang pandemic crisis at walang enhanced community quarantine. Para bang ang mga tao sa palengke ay hindi tatablan ng COVID-19 sa kanilang mga ikinikilos.

Halos mag-iisang buwan na ang pinatutupad ng ECQ at huwag sanang sayangin ang nasimulan. Wala pa sa peak ang pagkalat ng virus kaya hindi dapat magkumpiyansa o magtapang-tapangan ang nakararami na hindi sila kakapitan nito. Walang mahirap at mayaman sa sakit na ito na marami nang pininsala sa mundo.

Sundin ang utos na huwag lumabas ng bahay. Huwag magdikit-dikit lalo sa matataong lugar na gaya ng palengke. Nararapat nang maghigpit upang huwag dumagsa sa palengke ang mga tao. Kontrolin ang pagpasok para maiwasan ang paghahawahan.

Kapag hindi ipinatupad ang paghihigpit kakalat ang virus at posibleng umabot pa hanggang 2021, ayon sa babala ng DOH.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with