Post-traumatic stress disorder
Ang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay nangyayari pagkatapos makaranas ng sakuna, delubyo, galing sa giyera, maholdap, maaksidente, ma-rape at matinding pananakit.
Karamihan sa mga sintomas nito ay nagsisimula sa pagitan ng 2 linggo hanggang 3 buwan pagkatapos ng pangyayari. Walang laboratory test na maaaring makapagsasabi na may post-traumatic stress dis-order ang tao.
Pangkalahatang sintomas:
l Nahihirapang makisalamuha sa tao.
l Muling naiisip ang ganoong pangyayari.
l Nakararanas ng bangungot at flashback sa mga nangyari.
l Mabilis na tibok ng puso at paghahabol ng hininga.
l Umiiwas na maramdaman o mapag-usapan ang pangyayari.
l Umiiwas sa lugar, tao o gawain na konektado sa insidente.
l Pinipilit kalimutan ang masamang nangyari.
l Nababawasan ang interes sa pang-araw-araw na gawain.
l Nawawalan ng gana para isipin ang kinabukasan.
l Pagkakaroon ng abnormal sa personalidad.
l Hirap makatulog, magagalitin, wala sa konsentrasyon at matatakutin.
Paano gagamutin:
l Kinakailangan ng psychological counselling sa lalong madaling panahon.
l Kinakailangan na ang tagapayo ay may kasanayan at kinakailangan nito ng follow-up sa biktima na hindi bababa sa 6 na buwan.
l Inirerekomenda ang pagpapatingin sa isang psychiatrist kung kinakailangan.
- Latest