^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nagsulputan ang mga ganid na negosyante

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nagsulputan ang mga ganid na negosyante

Habang nananalasa ang COVID-19 sa bansa, nananalasa rin ang mga mapagsamantalang negosyante na sobra-sobra kung magtaas ng kanilang produkto. Nagsulputan sila na parang kabute ngayon. Pati sa online ay rumaratsada sila at sobra ang pagsasamantala. Wala na silang iniisip kundi ang kumita ng pera kahit nakaharap ang mamamayan sa krisis dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Nakapokus ngayon sa mga bagay na panlaban sa virus ang mga mapagsamantala gaya ng face masks, alcohol, sanitizers, disinfectant at pati thermal scanners. Itong thermal scanners ang pinagkakakitaan nila nang limpak sa kasalukuyan sapagkat ibinibenta nila nang triple ang presyo. Tubong lugaw. Mabentang-mabenta ito kahit sa online. Ang thermal scanner na ang presyo ay P2,500 hanggang P3,000, ibinibenta ng P10,000! Grabe ang patong.

Kamakalawa, isang babaing doktor ang hinuli ng Department of Trade and Industry (DTI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City dahil sa pagbebenta nang overpriced thermal scanners. Nakumpiska sa kanyang apartment ang talaksan ng mga kahon ng thermal scanners. Sinampahan ng kaso ang doktora.

Nahuli rin ng araw na iyon ng DTI at CIDG ang isang delivery van na naglalaman nang maraming kahon ng thermal scanners sa Laguna. Idedeliber na ang mga scanners sa customer. Sabi ng mga taong sakay ng van, napag-utusan lamang sila. Hindi umano nila alam ang tungkol sa scanners.

Noong isang araw, sinalakay din ang mga tindahan sa Bambang St., Sta. Cruz, Maynila at nakum-piska ang maraming botelya ng alcohol na ibinibenta nang sobra-sobra ang presyo. Napag-alaman ng DTI at CIDG, ang 60 ml. ng alcohol ay ibinebenta ng P80 hanggang P100. Ayon sa DTI ang suggested retail price (SRP) ng 60 ml. na alcohol ay P20 lamang.

Sinasamantala ng mga mapagsamantala ang sitwasyon. Pati doktor, nagsamantala na rin. Habang may mga doktor na namamatay dahil sa paglaban sa COVID-19, may doktor naman na ang pagkita nang limpak ang nasa utak. Wala na sa kanyang isipan ang sinumpaang tungkulin at ang mahalaga ay kumita.

Paigtingin pa ng DTI ang pagdakma sa mga mapagsamantalang negosyante na nagsulputan sa kasalukuyan. Kasuhan sila at parusahan nang ma-bigat. Walang kapatawaran ang kanilang ginawa.

COVID-19

NEGOSYANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with