^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahing i-test ang may sintomas hindi mga pulitiko

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unahing i-test ang may sintomas hindi mga pulitiko

Kulang na kulang ang Pilipinas sa test kits para ma-detect ang mga infected ng virus na hatid ng COVID-19. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 2,000 test kits ang bansa at kulang na kulang ito para ma-test ang mga sintomas ng COVID-19. Mayroon nang dumating na donasyon mula sa China at hinihintay pa ang pagdating mula naman sa South Korea. Pero kahit na dumating ang mga donasyong ito, kukulangin pa rin sapagkat patuloy ang pagdami ng kaso ng mga infected. Habang sinusulat ito, umabot na sa 552 ang kaso at mayroon nang 35 patay. Ang mga nakarekober sa sakit ay 20.

Patuloy namang sinasabi ng Department of Health (DOH) na sapat ang test kits at mayroon pa umanong hinihintay na karagdagang 3,500 test kits. Lahat umano ng test kits ay nasa DOH Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM). Ang RITM lang umano ang nagsasagawa ng testing sa mga taong may sintomas. Noong nakaraang linggo, nakadebelop nang mas murang test kit ang mga scientist sa University of the Philippines at nagsisimula nang gumawa ng mga ito para magamit. Nasa 6,000 test kits na umano ang nagawa ng GenAmplify COVID-19 detection kit.

Malaking problema ang kakulangan ng test kits. Dahil kulang na kulang, maraming may sintomas ang hindi maidaan sa pagsusuri. Ito marahil ang dahilan kaya lumobo ang kaso. Marami nang infected pero dahil salat sa test kits, napabayaan, nakisalamuha sa iba pa at huli na para mapigil. Kahit pa nag-lockdown, nag-physical distancing at kung anu-ano pang pag-iingat, marami na ang nagkahawahan dahil nga sa kasalatan sa test kits.

Ang matindi pang nangyari, inuna pa umano ng DOH na testingin ang mga pulitiko at kanilang pamilya na wala namang sintomas kaysa sa mga taong dapat ay naprayoridad. Labag sa batas ang nangyari sapagkat ang dapat unahing i-test ay ‘yung kailangang-kailangan sapagkat limitado ang supply ng kits. Lagi namang sinasabi ng gobyerno na sapat ang pondo para pambili ng test kits pero nasaan. Patuloy sa paglobo ang mga dinarapuan ng virus at ngayon lamang nagkukumahog.

Nararapat ibuhos ng pamahalaan ang lahat nang makakaya sa panahong ito na nananalasa ang virus­. Kawawa ang publiko.

vuukle comment

DOH

RITM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with