Umapela si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa media at sa gobierno upang agarang ipatupad ang Filipino Sign Language law o ang Republic Act. No. 11106 lalo na ngayong panahon ng COVID 19 at maraming lugar ay nasa lockdown.
Nakakalungkot na ang mga Filipino Deaf Communtiy ay hindi nakakuha ng massive information drive tungkol sa COVID-19 at ang lockdown na ipinatutupad ngayon sa buong Luzon at iba pang bahagi ng Philippines my Philippines.
Nakakaawa sabi ni Zarate, ang mga binging madlang Pinoy dahil binibitbit na lamang sila ng mga DSWD volunteers dahil hindi nila alam na may lockdown o curfew.
“Nananawagan tayo at umaapela sa mass media lalo na ang nasa telebisyon upang agad ipatupad ang FSL law para sa kapakanan ng ating mga kapatid na bingi. Matagal na itong dapat ipinatupad sa katunayan overdue na ito simula pa noong 2018,” birada ni Zarate.
Dapat may mga FSL na ginagawa ang bawat telebisyon para mas maunawaan ng mga madlang deaf people ang kanilang napapanood at pinag-uusapan.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.Carlos Isagani Zarate