Ayon sa korte, nagkasala si Lolo Karling sa krimen ng kidnapping at serious illegal detention at pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagbayad ng gastos sa paglilitis. Tama ba ang korte?
Hindi, ayon sa Supreme Court. Ang isa sa pinakamahalagang element ng krimen ng kidnapping ay ang pagkulong, pagtatago at pagtali sa biktima. Sa pag-aaral sa mga ebidensiya at salaysay ng prosekusyon sa nangyari ay hindi ito naipakita.
Walang matibay na ebidensiya na sapilitang kinuha, biniyahe o ikinulong ng akusado ang biktima. Dito ay walang ebidensiya na may ginawang aksyon o motibo ang akusado para itali o kaya ay hadlangan ang kalayaan ng biktima. Kaya walang nangyaring pagkuha na kambal sa layunin na gumawa ng krimen.
Ang testimony ani Joy na sinabi ni Ela na may matandang lalaki na nag-alok na ibili siya ng prutas ay matatawag natin na “hearsay evidence” dahil hindi siya mismo ang nakasaksi nito kundi ikinuwento lang sa kanya.
Pangalawa, ang impormasyon ay nanggaling sa bibig ng isang tatlong taong gulang na bata na ayon na rin sa deklarasyon ng korte ay walang kakayahan na tumestigo. Kaya’t hindi matatanggap na ebidensiya ang hearsay evidence.
Walang kredibilidad o bigat na maibibigay sa testimonya ni Joy kung bakit nagawa daw ang krimen. Kahit pa sabihin na pinapahalagahan ang naging pag-aaral ng korte lalo tungkol sa katotohanan ay mayroon din naman itong lusot.
Isa na rito ay kung nagkaroon ng pagkakamali sa mga detalye ng krimen. Kaya maaaring ipalit ng SC ang resulta ng sarili nitong pag-aaral. Nararapat lang na baliktarin ang naging hatol ng RTC at ipawalang-sala si Lolo Karling.
Agad din na ipag-uutos na palayain siya mula sa pagkakulong maliban na lang kung may iba pa siyang kasong kinakaharap (People vs. Felwa, G.R. 126024, April 20, 2001).