^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Linisin sa droga ang Correctional

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Linisin sa droga ang Correctional

Noon pa, balitang-balita na ang talamak na bentahan ng illegal drugs sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City. Malayang naipapasok dito ang droga dahil sa corruption. Mismong mga guwardiya ay kakutsaba ng inmates na drug traffickers kaya kahit araw-arawin ang paggalugad sa loob, hindi maubus-ubos ang droga. Walang ipinagkaiba ang kalakaran sa Correctional sa nangyayari sa New Bilibid Prison (NBP) kung ang pag-uusapan ay illegal na droga.

Noong Miyerkules, ginalugad ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Peno­logy ang Correctional at nakakumpiska ng shabu at maraming pera. Dakong 8:30 ng umaga nang isa­gawa ang “Oplan Galugad” at nakuha sa mga babaing preso, kabilang ang convicted drug trafficker na si  Yu Yuk Lai, ang mga sachet ng shabu at perang nagkakahalaga ng P100,000. Itinanggi naman ni Yu ang paratang na nagbebenta siya ng shabu. Hindi rin daw galing ang pera sa transaksiyon sa illegal na droga.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nahulihan ng droga at pera si Yu. Noong Nobyembre 2017, nakakumpiska sa selda ni Yu ang may P5 milyong halaga ng shabu at maraming tseke. Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang selda ng drug queen dakong 4:30 ng madaling araw at nakumpiska ang droga. Umano’y may link si Yu sa mga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Ayon sa report ng PDEA, naipapasok ang shabu sa Correctional dahil inihahalo ito sa mga sako ng bigas na dinideliber doon ng anak ni Yu. Bukod sa paghahalo sa bigas, inilalagay rin sa pantyliners ang shabu. Makaraang salakayin ang selda ng drug queen sa Correctional, ang condo unit naman ng anak nito sa San Miguel, Manila ang sinalakay at nakakumpiska ng milyong halaga ng shabu. Sinubukan pa umanong suhulan ang PDEA agents ng P5 milyon pero hindi nagtagumpay.

Talamak ang corruption sa Correctional kaya na­ipapasok ang droga. Tinatapalan ng pera ang mga guwardiya kaya kahit ano ang ipasok, puwede.

Nararapat ireporma ang Correctional. Kailangan ang total revamp. Alisin lahat ang opisyal at mga guwardiya para mawala ang koneksiyon ng drug syndicates. Hindi malulutas ang bentahan ng droga sa nasabing bilangguan kung hindi gagawa ng mga pagbabago. Linisin sa droga ang Correctional!

vuukle comment

CWI

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with