^

PSN Opinyon

Principal-pastor na nanipa ng 11-anyos na totoy, dinayo ng BITAG sa Cebu!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at lamanloob ang isang taong pumapatol sa paslit. Natu­ringang alagad ng Diyos at namumuno sa paaralan, bata ang pinatulan.

Mula Cebu, lumuwas sa Maynila ang isang ginang para ireklamo sa BITAG ang principal na nanakit sa kanyang onse-anyos na anak.

Dahil kasi sa pagkanta ni totoy ng “Ilongga”, sinipa siya ng pastor-principal nang mapadaan sa kanilang kubo.

Nang malaman ng ginang ang pananakit sa kanyang anak, agad siyang nagtungo sa barangay para sana humi­ngi ng payo sa insidente.

Pero laking gulat niya, nauna na palang magsampa ng kaso ang principal-pastor laban sa kanya at humihingi ng danyos na nagkakahalaga ng P250,000.

Napag-alaman ng ginang na Ilongga pala ang asawa ng principal-pastor. Subalit hindi malinaw ang dahilan kung bakit kailangang saktan ang anak na kumakanta lang naman na walang pinapatungkulang sinuman.

Ayon kay Undersecretary Martin Diño ng Barangay Affairs ng Department of Interior and Local Government (DILG), anumang kasalanan ang nagawa ng isang menor de edad o tinatawag na Child in Conflict with the Law, hindi ito puwedeng saktan at kasuhan. Salamat sa batas ni Sen. Kiko Pangilinan.

Kung sangkot ang bata sa anumang pagkakasala o krimen, dalhin agad ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa Women and Children Protection Desk.

Itong principal, naturingang mataas na opisyal ng DepEd, ay inaasahang kikilos nang naaayon sa batas. Kung hindi, kahit pa sa labas ng paaralan, puwede siyang masuspinde at matanggal sa serbisyo dahil sa pananakit ng bata.

Katunayan, kadarating ko lang mula sa Cebu habang isinusulat ang kolum na ito. Nagkaligaw-ligaw at inabot ng gabi ang aming grupo para matunton ang kinaroroonan ng principal-pastor na ito.

Sadyang pinuntahan namin siya sa Consolacion, Cebu para mapakinggan ang kanyang panig. Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ng BITAG noong ipalabas namin ang reklamong ito sa Pambansang Sumbungan.

Anong nangyari sa aming paghaharap? Abangan sa aming Youtube Channel, BITAG OFFICIAL!

LAMANLOOB

SIKMURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with