^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag sa problema ng mga Pinoy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dagdag sa problema ng mga Pinoy

MULA nang dumagsa sa bansa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine offshore and gaming operators (POGOs) noong 2017, nagkasunud-sunod na ang mga problema na kinasasangkutan ng mga dayuhan. Mahigit 130,000 Chinese na ang nasa bansa na pawang naka-empleyo sa POGOs. Bukod pa rito ang mga Chinese na illegal na nakapasok sa bansa dahil minaniobra ng mga korap na Immigration officials at employees sa pamamagitan ng ‘‘pastillas’’ modus.

Dahil dagsa ang mga Chinese, ilan sa kanila ang nagmistulang mga pinakawalang toro sa kural na rito pa sa bansa gumagawa ng kabalbalan. Dumami ang kidnapping na pawang mga Chinese ang gumagawa at ang kinikidnap nila ay mga kababayan din nila na mga natatalo sa sugal. Hindi lang basta kidnapping ang nangyayari kundi may pinapatay pa kapag hindi nakabayad ng utang.

Kamakalawa, naaresto ng mga pulis ang tatlong Chinese na nangidnap ng kanilang kababayan sa Parañaque City makaraang magbayad ng P1 milyon. Umano’y nagkaroon ng utang ang biktima sa mga taong nag-abduct sa kanya. Nalulong sa sugal ang biktima. Ikinulong ng tatlong kidnaper ang 20-anyos na Chinese sa tinutuluyang hotel sa Parañaque.

Mga abusado rin ang ilang Chinese na para bang kanila ang kalsada sa Metro Manila. May Chinese na nagmamaneho ng lasing at nananagasa ng traffic enforcer. Noong nakaraang linggo, isang Chinese na lasing ang hinabol ng mga pulis makaraang takasan ang kanyang mga nabiktima. Nang abutan ng mga pulis at aarestuhin, dinuraan ang isang pulis sa braso. Nabisto na expired na pala ang pag-stay ng Chinese sa bansa na kung makaasta sa pagmamaneho ay tila hari kalsada.

Malaki umano ang tax na binabayad ng POGOs at dito kinukuha ang pondo sa “Build, Build, Build Program”. Pero malaking problema rin pala ang kahaharapin ng bansa sa mga POGO na ito sapagkat karamihan din sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis. Karamihan, hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nakakatulong ang POGOs sa ekonomiya pero nakakaperwisyo rin. Sa halip na maging mapayapa, dinaragdagan ang problema ng mga Pinoy. Dumarami ang krimen at lumalawak ang pang-aabuso. Hanggang kailan papasanin ang mga ginagawa ng mga dayuhang ito?

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with