Tinderong rapist (Unang bahagi)
Isang kaso na naman ito ng pagsasamantala. Sa unang tingin, mukhang pumayag sa nangyari ang biktima pero itinuturing pa rin na rape ang nangyari. Pinakikita rito na kahit na pumayag sa nangyari ang biktima dahil hindi siya lumaban at walang nangyaring pangtanggi/hindi naipakitang tinakot o pinuwersa ang babae ay hindi pa rin lusot sa krimen ang akusado.
Kailan nga kaya masasabi na rape ang nangyari kahit pa hindi napatunayan ng prosekusyon na may pamimilit o pananakot na ginawa ng akusado para mapagtagum-payan ang kanyang gusto sa biktima.
Ang kasong ito ay tungkol kay Rhea, 13-anyos at pangwalo sa 14 na magkakapatid na anak ng mag-asawang naninirahan sa isang isla sa probinsiya. Pinanganak na pipi at bingi si Rhea. Kahit na tinedyer na siya ay hindi niya kayang makipag-usap sa iba maliban sa mga senyas.
Medyo mahina ang ulo ni Rhea at ang pag-iisip niya ay sa isang pitong taong gulang na bata lang. Kadalasan ay nakikipaglaro siya sa maliliit na bata at mahilig maghubad habang naliligo.
Kinailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil ma-dalas siyang mapaaway sa mga kaklase. Kaya hindi na siya pinapayagan na lumabas ng bahay na mag-isa.
Isang hapon, nakapuslit si Rhea at nakalabas ng bahay na hindi napapansin ng mga kapamilya. Pumunta siya sa sinehan upang manood ng sine. Kabilang sa mga manonood ng sine ay sina Yuan at Jeralt.
Nagpunta sa comfort room si Yuan para umihi nang makarinig ng mahinang ungol mula sa katabing CR ng mga babae.
Tumuntong sa inidoro si Yuan at sinilip ang katabing CR. Nakita niya si Rhea na nakasandal sa dingding at pinagpaparausan ni Jeralt.
(Itutuloy)
- Latest