^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hindi marunong bumasa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Hindi marunong bumasa

NAKAKADISMAYA ang balita na 20,000 mag-aaral sa Bicol ang hindi marunong bumasa. Ayon sa Department of Education (DepEd)-Bicol ang mga mag-aaral ay nasa Grade 1 hanggang Grade 6. Ayon kay Ervin Aroco, information officer ng Dep-Ed-Bicol, hindi marunong magbasa ng Tagalog at English ang mga estudyante.

Nakakaawa naman ang mga estudyante mula Grade 1-6 na hindi marunong bumasa. Sobrang mi­serable ang buhay kapag ganito ang problema. Maaaring nasa guro na ang problema kaya nagkaganito ang mga bata. Kailangang hanapin ng mga guro o ng kagawaran mismo kung ano ang dahilan at maraming elementary students ang hindi maru­nong bumasa sa Tagalog man o English.

Sa isang report, sinasabing ang kahirapan ng mga estudyante na nasa liblib na lugar sa Bicol ang dahilan. Marami sa kanila ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay. Mayroong hindi na natatapos ang Grade 1 at napapasabak na sa pagtatrabaho sa bukid o di kaya’y sa pangingisda. Tinutulungan sa pagtatrabaho ang kanilang mga ma­gulang.

Mayroon namang hinto nang hinto sa pag-aaral hanggang sa tuluyan nang tumigil sa pagpasok. Mayroong nakakaabot sa Grade 6 na hindi maru­nong unawain ang nakasulat.

Ayon pa rin sa report, may mga mag-aaral na marunong bumasa pero hindi marunong unawain o maintindihan ang kanyang binasa. Mayroon din naman na alam ang alpabeto pero hindi alam kung paano ito babasahin.

Hindi lamang pala ang kakulangan ng school buildings, libro at computers ang problema ng DepEd, pati pala ang kasalatan ng mga estudyante sa pagbasa ay isa rin sa nakaamba. Nakakaawa naman kung hindi tuturuan ang mga estudyante sa Bicol na makaunawa sa nakasulat. Kailangang malutas ang problemang ito sapagkat lalong mapapag-iwanan ang Pilipinas. Halos lahat nang bansa ay pinauunlad ang kanilang sistema ng edukasyon at ang Pilipinas naman ay paurong.

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with