^

PSN Opinyon

Illegal gambling sa Kyusi

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IKINATUWA pala ni QC Mayor Joy Belmonte dahil may 111 gamblers ang kinuelyuhan ng mga authorities sa Kyusi mula nang ipatupad ang tupada este mali crackdown pala sa mga iligal na sugalan.

“Nasampahan ba ng kaso ang lahat ng mga lumabag sa PD 1602?” tanong ng kuwagong manunumbat. 

Ang police raids ay ginawa sa La Loma, Masambong,Talipapa, Novaliches, Fairview at Batasan Hills gayundin sa Cubao, Project 4, Anonas, Kamuning at Galas.

Buhay pa rin si Tepang sa jueteng operation niya. Akala ba natin tumiklop na ito porke trinabaho siya last month ago?

Ika nga, nananagana pa rin pala! 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nahuli ang mga suspek sa illegal gambling na video karera, cara y cruz, card games, tupada at loteng pero sa jueteng, mukhang walang nahuli?

Ayon kay Mayor Joy,  huwag matakot ang mga taga-Kyusi na magsumbong sa mga autoridad kung may alam silang mga illegal na nangyayari sa kanilang lugar.

Sabi nga, tumawag sa City’s Hotline 122 at sa QCPD’s hotline 09175410621 para inguso ang anumang illegal na gawain sa kanilang area of responsibilities.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit may mga nahuli pang mga illegal gamblers sa Kyusi gayong binigyan ng ultimatum ni CPNP Gamboa si QCPD chief Montejo matapos makahuli ng mga sugarol con kubrador ang pulisya sa Crame dahil sa sumbong ni PCSO general manager Rovina Garma. 

Ano ang nangyari?

Inatake para manghingi ng huli ang mga autoridad sa takot na masibak ni CPNP?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Palabas lang kaya ang hulihan blues na ginawa kaya may nasungkit na 33 gamblers?

May 9 na kolektor ng ilegal na sugal sa Kyusi ang binira ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar, may ilang buwan na ang nakalipas kaya naman napatanga ang kanilang mga kapitalista dahil nagtataka sila kung bakit binulabog ang jueteng operation nila kasi nga naman naka-timbre raw ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang jueteng con Small Town Lottery (STL) ay pinatatakbo ng mga operator na sina alyas Tepang ng Nepa Q Mart, Pening, Dong, Brutus at Egay. Hindi pa kasama dito ang malakas na tupadahan dyan sa may Mapayapa at ang saklang patay sa Krus na Ligas.

Sino kaya ang patong?

Hindi kaya alam ng barangay ito at ng pulisya na may jurisdiction sa lugar? Siguro si CPNP ang may alam nito baka puedeng itanong sa kanya kung sino ang pinatungan? Hehehe!

Ang mga suspek ay arestado sa tatlong magkakahiwalay na lugar ng dayaang bolahan, sila daw ay sina Guelboy Flores, Me­lody De Guzman, Elmer Florendo, Edward Nepomuceno at Jimbo Javier na hinuli sa Brgy. Kamuning. Sila raw ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9287 o Anti-Illegal Numbers Game Law.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lima ay nagpapatakbo ng bookies sa Quezon City gamit bilang front ang isang prangkisa ng STL sa katabing lungsod na Marikina.

Sino kaya ito? Ito ang dapat ibulgar ni CPNP Gamboa dahil hindi puedeng walang nakakaalam sa kanila ng operasyon ng illegal gambling sa Kyusi?

Tiyak nagpaalam ang mga gambling lords sa kasabwat nilang mga pulis na magpapasugal sila kaya siguradong may nakapatong?

“Maliit lamang ang kinikita raw ng mga kapitalista ng jueteng kada linggo.”

“Sabi nga, P9 million ang kinikita less timbre sa pulisya at panggasolina para sa mga burongoy kawatan na mangalabit-pahingi sa mga kapitalista ng sugalan,” sabi ng kuwagong puntos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas “Jessy” ang kolektor ng grupo ng mga kapitalista na nagdadala ng pitsa sa mga autoridad na patong sa sugalan.

Dapat ipahuli ni CPNP Gamboa ang kamote para malaman niya ang lalim ng illegal gambling operations sa Kyusi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa tagong lugar ang operasyon ng jueteng para makaiwas sa mga huli.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi ka maglalagay tiyak huhulihin ang nagpapasugal, sugalan at nagsusugal pero kung may “timbre” siguradong tuluy-tuloy ang operasyon ng sugalan, anang kuwagong manggagantso.

Abangan.

 

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with