Medyo nagkasabay ang dapat seryosong binabantayan ng mga taga-Southern Mindanao nitong mga huling araw.
Andiyan ang coronavirus epidemic na may higit 500 na ang namatay at higit 20,000 apektado, karamihan sa Wuhan, China kung saan ang ground-zero ng deadly virus.
At sumabay pa sa mga pangyayari ay ang pagkaroon ng African Swine Fever (ASF) na umapekto sa may higit 100,000 baboy sa mga bayan ng Don Marcelino at Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Nakababahala rin ang patuloy na pagyanig ng lindol at ang huli ay noong isang gabi na kung saan isang magnitude 6.4 na lindol ang tumama sa Davao Occidental na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Ang huling pagyanig ay parte na ng serye ng tremors na umaapekto sa Timog Mindanao simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon.
Nakakabahala na rin ang panibagong balita na muling umusbong ang bird flu sa China at pinangangambahan itong umabot din sa mga karatig bansa sa rehiyon.
At sa dakong Luzon naman, naroon ang pag-alburoto ng Taal Volcano kung saan naapektuhan ang flights galing Manila patungo sa ilang rehiyon ng bansa dahil sa ash fall.
Para harapin ang mga pagsubok na ito kinakaila-ngan ang ibayong tatag. Matatag na pamayanan.