^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ang POGOs at ang prostitusyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Ang POGOs at ang prostitusyon

MULA nang magsimula ang Philippine offshore and gaming operations (POGOs) sa bansa noong 2017, kumita ang pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng mga ito. Dumagsa rin ang mga Chinese sa bansa kaya lumago ang turismo. Karamihan sa mga empleyado ng POGOs ay mga Chinese na umaabot na ngayon sa humigit-kumulang na 130,000. Pawang mga Chinese din kasi ang customer ng POGOs kaya kailangan ay madaling magkaintindihan.

Sa paglago ng POGOs, dumami rin naman ang problemang kaakibat nito at ang bansa ay apek­tado. Kumikita nga sa buwis ng POGOs pero ang ibinibigay na problema ay pasang-krus ng bansa.

Sa pagdami ng POGOs dumami rin ang mga prostitute. Nagbukas ang POGO ng oportunidad­ para mamayagpag ang white slavery at trafficking­ ng mga kababaihan na nagmula rin sa China. Ayon sa report, may mga travel agencies na ang pina-process ay ang papel ng mga babaing “magsi­silbi” para sa POGO workers. Nagre-recruit ang mga ahensiya ng mga babaing Chinese para dalhin sa Pilipinas at ginagawang prostitute.

Hindi lamang prostitution ang namamayagpag sa ngayon kundi pati na rin ang krimen. Mula nang dumami ang POGOs, maraming insidente ng kidnap­ping ang nangyari. Mga Chinese ang kinikidnap at ang mga gumagawa nito ay mga Chinese rin. Kinikidnap ang mga Chinese at pinatutubos ng ransom. May mga pinatay ring Chinese dahil hindi umano makapagbayad sa pagkakautang.

Malaki ang kinikita sa buwis na nakukuha sa mga POGOs pero marami rin namang problema na nakukuha. Nakikinabang nga subalit marami rin namang perwisyong dulot. Kailangang pag-isipan ng pamahalaan kung paano malulutas ang problemang idinulot ng pagdami ng POGOs. Isang paraan ay ang pagkontrol sa pagdami ng POGOs. Ayon sa report, maraming illegal POGOs na nag-o-operate at ang mga ito rin ang sangkot sa trafficking ng Chinese women.

PHILIPPINE OFFSHORE AND GAMING OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with