^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Kung ano ang inutang’ yun din ang kabayaran’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - âKung ano ang inutangâ yun din ang kabayaranâ

“Irenounce and reject any offer of blood money for her torture/murder. I want two lives for the life they took.”

Ito ang tweet ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Kuwait Ministry of Foreign Affairs. Hayagan niyang sinabi na hindi tatanggapin ang blood money na inio-offer ng employers ni Jeanelyn Villavende. Si Jeanelyn ang Pinay worker na walang awang pinatay ng kanyang mga among Kuwaiti noong Disyembre 2019.

Nabasag ang bungo ni Villavende sa tindi ng pambugbog pero ang mas nakaka-shock, ginahasa pa pala ito. Pero ito ay hindi isinama sa report ng Kuwaiti government. Ang pagtatago sa report na ito ang labis na ikinagalit ni Locsin. Nangako si Locsin sa pamilya ni Villavende na makakamit ang hustis­ya. Kung ano ang inutang yun din ang kabayaran.

Nadismaya naman umano ang Kuwait sa remark ni Locsin na hindi tatanggapin ang blood money bilang settlement. Kontra anila ito sa batas na nakasaad sa pandaigdigang relasyon. Ang mga sinabi umano ni Locsin ay hindi nararapat sapagkat nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang gobyerno ng Kuwait sa nangyaring pagpatay kay Villa-vende. Bilang mataas na pinuno hindi raw dapat nagsasalita agad si Locsin at isa pa, ginagawa naman daw ng Kuwait ang lahat nang paraan para mapabilis ang imbestigasyon. Katunayan, mabilis daw ang pagkakaaresto sa mga killer ni Villavende. Parehas din daw ang isinasagawa nilang pagtrato sa mga killer kaya hindi dapat akusahang may kinikilingan sa kaso.

Hindi masisisi si Locsin kung magsalita ng ganito. Una nang sumira ang Kuwait sa nilagdaang kasunduan na puprotektahan ang OFWs sa kanilang bansa. Hindi ito nangyari. Dalawang Pinay ang magkasunod na pinatay doon – si Constancia Dayag at si Villavende nga. Bago pa ang dalawa, pinatay din si Joanna Demafelis noong 2018. Itinago pa ang bangkay nito sa freezer.

Tama lamang ang mga sinabi ni Locsin na hindi dapat tanggapin ang blood money. Kamatayan din ang dapat sa mga pumatay kay Villavende. Purihin si Locsin sa kanyang matapang na paninindigan na maigawad ang nararapat na kaparusahan.

JEANELYN VILLAVENDE

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with