May lockdown na raw simula noong isang araw sa Wuhan, China na may population na higit 10 million at sinasabing “ground zero” ng Wuhan coronavirus na may ilan na rin ang naapektuhan at namatay.
Ngunit patuloy pa rin naman dumadagsa sa mga airport dito sa Pilipinas ang mga flights galing Wuhan at ibang part ng China.
At ang pinakahuli ay ang may 135 na pasahero sa isang direct flight galing Wuhan na dumating ng Kalibo at ang isa ay sa Bohol.
Patuloy pa rin ang mga flights na labas, masok ng China kahit na nga may Wuhan virus na nakakamatay.
Maging dito sa Mindanao ay may mga direct flights din galing China at Hong Kong at Singapore dito sa Davao City.
Totoong wala pa nga sa Pilipinas ni isang kaso ng Wuhan virus.
Ngunit hintayin pa ba nating makakaabot ‘yan dito sa ating bansa at mahirap nang masolusyonan ang problema?