Hindi ordinaryong tulong ni Cayetano
NAGLULUNDAGAN sa galak ang karamihan sa mga Batangueño na biktima ng Taal volcano eruption dahil hindi sila kinalimutang pabayaan at sinuportahan ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Alan Cayetano et al.
Sabi nga, thank you Lord for helping and supporting us!
Bakit?
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, kambal na resolusyon ang pinagtibay ng House sa ginawang sesyon sa Batangas City na tutulong sa mga biktima ng Taal.
Sabi nga, ito ang HR 662 na sumusuporta sa P30 bilyon na hiling ni Boss Digong na supplemental budget para sa mga victim ng Taal at ang HR 655 na humihiling na ipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa mga relief efforts at programa para sa mga biktima ng trahedya at kalamidad.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Napakaganda ng ginawang sesyon ng kamara sa Batangas Convention Center.
Kaya kami ay nagpapasalamat na dinadamayan nila.
Sabi nga hanga sila sa kanilang malasakit sa madlang Taal victims.
Pati si Cong. Raniel Abu ng Batangas ay nagpasalamat kay Speaker Cayetano dahil sa determinasyon nito na matulungan ang mga biktima ng pag-alburoto ng bulkang Taal.
Bakit?
Isinama kasi ni Cayetano ang mga kapwa kongresista para sa Batangas gawin ang sesyon ng Kamara para mapakinggan ang hinaing at mga pinagdaraanan ng mga biktima ng kalamidad.
Korek ka r’yan, Cong Abu!
Iba kasi ang may malasakit sa kapwa!
- Latest