^

PSN Opinyon

Jueteng buhay na buhay, PNP tahimik?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMANGAL si PCSO general manager Royina Garma kay CIDG chief Jigs Coronel sa garapalan operasyon ng jueteng bookies sa Kyusi kaya naman hinuli na rin sa wakas ng pulisya dahil kahiyaan na siguro ang mga kao at kubrador nito kaya lang tinawanan lang nang mga kapitalista dahil nga sa diumano’y humingi lang ng huli ang mga tumira?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit?

Alam nilang palabas umano  lang ang hulihan blues?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO’ siyam ang nasungkit sa dayaan bolahan sa Kyusi ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar last week kaya naman napanganga ang kanilang mga kapitalista dahil nagtataka sila kung bakit binulabog ang jueteng operation kasi nga naman naka-tiembre umano ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagsumbong si Garma kay Coronel sa malawakang jueteng operations sa Kyusi kaya sa hiya ng huli pinabira sila.

Sabi nga, pinaghuhuli ang mga sugarol.

Ika nga, bakit noon lang hinuli samantala ang operas­yon ay matagal na namamayagpag lalo na ang grupo ni alyas Tepang.

Ang mga dayaan bolahan ay pinatatakbo ng mga operator na sina alyas Tepang ng Nepa Q Mart, Pening, Dong, Brutus at Egay.

Naku ha !

Ang mga suspek ay arestado sa tatlong magkakahiwalay na lugar ng dayaan bolahan .

Sila raw ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9287 o Anti-Illegal Numbers Game.

Paano kaya ang jueteng bookies sa eastern, CAMANAVA  southern metro hindi ba kakalampagin ang mga ito?

Magkano kaya ang intelihensiya ng Crame dito kaya tahimik?

Abangan.

 

JUETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with