War, ayan na

PINAGLAANAN pala ng halos P2 billion pondo ng gobierno ni Boss Digong ang penetration este mali repatriation program pala para tulungan ang madlang Pinoy na makauwi ng Philippines my Philippines na puedeng maipit d’yan sa Iraq at Iran.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang nangyayari ngayon na maaring anumang oras o araw ay baka sumiklab ang giyera patani sa pagitan ng Iran at US of A kaya naman hangga’t maaga ay nagpalusot este mali nagpalabas na ng pondo ang pamahalaan para rito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, andyan at ready anytime ang salapi anuman oras ay puede itong madukot para magamit sa evacuation at repatriation sa madlang Pinoy na maaring maipit sa salpukan ng US of A at Iran .

Ika nga, almost P2 billion ang standby funds para tulungan ang ating mga kababayan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kukulamin este mali kukulangin pala ang salapi laan sa madlang Pinoy sa gagawing pagpapauwi sa kanila puede pa raw kumutkot ng P13 billion sa blessing ni Boss Digong kung kinakailangang magdagdag pa.

At kung kulang pa rin mananawagan na siguro ang gobierno sa iba pang mga mayayaman o ahensiya ng gobierno na tulungan ang mga maiipit sa giyera.

Sabi nga, please!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga aalis na opisyal ng gobierno papunta sa Middle East para tingnan at ayusin ang mga preparasyon ng pag-alis ng madlang Pinoy workers na maaring maipit sa giyera patani ng US of A at Iran kung bumigat ang tension sa pagitan ng dalawang country.

Nag-deklara ng alert level 4 o mandatory repatriation sa Iraq ang gobierno natin kaya naman mabilis itong tumugon sa maaring mangyari sa ating mga kababayan.’ sabi ng kuwagong pakaang-kaang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, problemang malaki ng gobierno ni Boss Digong tungkol sa halos dalawang milyon na mawawalan ng trabaho sa Gitnang Silangan kung saka-sakali  kaya naman esep-esep ng mga alternatibong countries na puedeng tulungan ang madlang Pinoy workers na makapagtrabaho.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanggagalaiti sa galit ang madlang Iran people dahil dinedo ng US of A si Iranian General Qassem Suleimani, ang commander ng elite Quds Force.

Kaya may gantihan blues na nangyari .

Ano ngayon ang palagay ninyo? Abangan.

 

Show comments