^

PSN Opinyon

Panawagan na total ban sa paputok

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Marami na naman ang nasugatan noong nakaraang Bagong Taon kahit na ipinagbawal na ni President Duterte. Marami pa ring Judas Belt, Sawa, Goodbye Earth, Goodbye Philippines, Bin Laden at Piccolo ang pinaputok. At ang resulta, marami na namang naputulan ng daliri at nasabugan ng pulbura sa mata noong bisperas ng Bagong Taon. Nabasa ko na umabot sa 324 ang mga biktima nang malalakas na paputok.

Ang nakapagtataka lamang ay kung paano nakabili nang maraming paputok ang mamamayan gayung ipinagbaba­wal ito sa ilalim ng Executive Order No. 28 na nilagdaan ni President Duterte. Hindi naipatupad nang mahigpit ang kampanya?

Isa sa palagay kong dahilan ay kaya marami ang naka­pagpaputok at nasugatan ay dahil maaari nang bumili nito online at sabi ng PNP hindi naman daw ito bawal basta susunod sa Republic Act No. 7183 o ang fireworks law.

Kung puwedeng bumili online ng mga paputok, hindi na maiiwasan na marami ring madisgrasya. Patuloy na may mapuputulan ng daliri, braso at mabubulag dahil sa papu­tok. Hindi matutupad ang nais ng pamahalaan na “zero casualty” kapag sasapit ang Bagong Taon sapagkat maraming paraan kung paano makakabili nang malalakas na paputok.

Kagaya ng  inyong sinabi sa inyong Editoryal, ang pinaka­mainam na solusyon ay ipagbawal nang lubusan ni Presidente ang mga paputok. Nagawa na niya sa Davao City ang total ban sa paputok at maaari rin niyang magawa sa buong bansa. Ipatupad niya ito sa susunod na taon para wala nang madisgrasya sa paputok. Sana ay mapakinggan ni President Duterte ang panawagan ko. Salamat po. --- MANUEL ORCASITAS, Calamba, Laguna

BAGONG TAON

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with