^

PSN Opinyon

Vietnam style ang barikada sa motorsiklo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NGAYON lang humanga ang mga kuwago ng ORA MISMO sa naisip ng MMDA tungkol sa planong lagyan ng barikada ang motorcycle lane sa EDSA!

Mukhang nakita nila ito sa Vietnam?

Kaya dapat lang gayahin sa Philippines my Philippines dahil ang mga motorcycle drivers dito ay mga abusado.

Sabi nga, walang pakundangan sa kasisingit kaya malapit sila sa disgrasiya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Vietnam partikular sa ilang kalsada sa Saigon, ang mga motorcycle riders dito ay parang nasa loob ng isang kural pero hindi sila mga baboy?

Tumatakbo ang kanilang motorsiklo sa 2 inner right lanes ng kalsada na nilagyan ng barikada ng kanilang gobierno para maiwasan ang singitan at disgrasiya.

Sabi nga, para walang overtaking bukod sa kontrolado o nasa tamang bilis ang kanilang pagmamaneho ng kanilang mga motor.

Maganda pa rito, hindi puedeng mag-over the bakod ang motorsiklo nila kaya naman naiiwasan ang banggaan blues!

Bakit?

Para maiwasan ang madalas na disgrasiya ng mga nagmo-motorsiklo.

Sabi nga ni Pareng Gus Abelgas, maiiwasan na ang mga biglaang pagsingit at pagdaan sa kung saan-saang bahagi ng lane sa EDSA ng mga motorsiklo na kalimitan nasasangkot sa pinakamaraming aksidente sa kalsada.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito rin sa Saigon, Vietnam, may mga kalsada na nakabarikada na gamit ang two inner right lanes nila roon.

Tig-dalawa ang mga motorsiklo kaya walang singitan.

Mas maayos tignan ito kahit para silang mga langgam na robot?

Atleast hindi sila makakaskas at naiiwasan ang angasan.

Sabi nga, nagiging disiplinado at naalis ang pagka-ba-rumbado at pagka-abusado ng ibang drayber ng motorsiklo.

“Nakakatuwang tignan ang mga naka-motor sa Saigon. Naaayos ang trapiko at  nawala ang singitan,” sabi ng kuwagong crying like a monkey,

Sana ituloy ng gobierno ng Republic of the Philippines my Philippines ang proposal na ito at hindi drawing na kadalasan ginagawa ng mga bright sa MMDA.

Ika nga, huwag sanang urong sulong!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakanerbiyos kung sumingit ang mga pasaway na motorcycle drivers sa mga kalsada lalo’t mga lasing pa ang mga kamote kaya tuloy nagkakaroon ng disgrasya.

At kung malala ang banggaan, tiyak dedbol ang driver ng motorsiklo.

Amen!

“Ang masama pa kapag ang motorcycle pasaway drivers ang naka-aksidente o nakasagi nang kotse tiyak puro kamot ng ulo at sorry ang maririnig ng car owner sa motorsiklo drayber,” sabi ng kuwagong manhid.

Ikinuento ng isang asset ng kuwago ng ORA MISMO, nang banggain ng isang motorsiklo ang kanyang left side Isuzu Sportivo side mirror assembly habang nakahinto sa grabeng traffic sa may Cubao-EDSA tunnel.

Ano nangyari?

Napanganga na lamang ang nabanggang sasakyan dahil kumaripas ng takbo ang motorsiklo na walang plaka. Ang masama pa P16,000 ang halaga ng side mirror assembly sa kasa.

Ano ang masasabi ninyo?

Tama ba? Abangan.

EDSA

ORA MISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with