^

PSN Opinyon

Bawal ang Merry Christmas greetings ngayong araw sa NAIA

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PASKO, sa Philippines my Philippines ngayong araw kaya naman masaya ang mga dumarating na international at domestic passengers sa lahat ng NAIA terminals.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  kahit Pasko, nagbabala si MIAA general manager Ed Monreal sa mga airport personnel working sa paliparan na huwag mangotong o manghingi sa mga pasahero ng regalo o bumati ng “Merry Christmas” para maiwasan ang problema.

Bakit?

“Kapag binati ng isang empleado sa airport ang isang arrival passenger siguradong may gusto itong ipahiwatig sa huli dahil para na rin silang nanghihingi lalo na kung mga balikbayan o foreigners ang kanilang babatiin,” sabi ni Monreal.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigpit ang utos ni Monreal sa mga airport personnel na huwag magkakamaling bumati ng Merry Christmas sa mga pasahero para walang problema at hindi sila maparusahan.

“Greetings is not bad, but extorting money from the passengers is absolutely wrong, not proper. Kaya ang sino mang mahuhuling empleyado ng airport na nanghihingi ng pamasko sa mga dumarating na mga pasahero galing abroad ngayong kapaskuhan ay tiyak na mapaparusahan,” banat ni Monreal.

Ikinuento ni Monreal, na ayaw niyang maulit ang nangyari noong mga nakalipas na taon na marami silang reklamong natanggap mula sa mga pasahero na hinihingan sila ng pera ng ilang pasaway na airport employees na bumabati sa kanila ng ‘Christmas greetings’ habang nasa airport arrival area.

Ano ngayon ang mainam?

Huwag magsalita, mangalabit na lang? Hehehe!

New Year is coming, may pera sa paputok

KAILANGAN kumilos agad ang mga autoridad para hulihin na ang mga nagbebenta o kumpiskahin ang mga paputok.

Bakit?

Isang linggo na lang paputukan blues para salubungin ang New Year’s Eve!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pulis na namuhunan ng malaki para magbenta ng paputok lalo na sa isang lugar d’yan sa Gagalangin, Tondo?

Hindi lang mga malalakas na paputok ang kanilang mga ibinebenta kundi may stock din sila ng mga piccolo at watusi na ipinagbibili naman sa mga bata.

Bakit?

May pera sa paputok!

Sabi nga, maliit ang puhunan pero triple ang kita?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Kaya naman ang mga kamoteng pulis ay nag-stock na ng mga malalakas na paputok noon pang mga nakaraang buwan para ipakalat ito sa kanilang mga asset upang ibenta sa madlang people na mahilig sa fireworks.

Ano sa palagay ninyo?

Sino ang mahuhuli?

Abangan

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with