^

PSN Opinyon

Cayetano overall champion sa kanyang trabaho

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Bumulusok pataas na parang rocket ship ang approval at trust ratings ni Speaker Alan Cayetano sa survey ng “Pulse Asia” this December 3 up to 8 kaya naman marami ang napanganga na madlang people at nagtaka.

Bakit?

Wala kasing makapaniwala na 16% ang approval rating ni Cayetano at 14% ang iniakyat ng kanyang trust rating!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naitala ni Alan ang 64% approval rating at 62% trust rating last September sa Pulse Asia.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sa Speakership history ang nangyari kay Cayetano porke siya lang ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa kasaysayan ng Kamara.

Sabi nga, ang pinakamataas lamang noon ay 40% pero hindi na natin papangalan ito kung sino man siya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Ca-yetano ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa survey lalo’t ang pagtaas ng approval at trust rating nito ngayong December.

Bakit?

Mas mataas pa ang nakuha ni Cayetano sa apat na matataas na opisyal sa Philippines my Philippines ng approval at trust rating ngayong Disyembre sa lahat ng apat na pinakamataas na opisyal ng bansa kabilang na dito si Pangulong Duterte, Vice President Leni Robredo at Senate President Tito Sotto. 

Ang maganda pa nito ay bumaba ng 11% mula sa 29% hanggang 18% ang “undecided” para kay Cayetano.

Naku ha!

Ayos pala si Mr. Speaker.

Batay sa data ng Pulse Asia, parehong 12% ang itinaas ng approval rating ni Sotto at pareho ring 9% ang itinaas ng trust at approval rating ni Boss Digong.  

May 8% naman ang itinaas ng approval rating ni VP Leni at 7% ang itinaas ng kanyang trust rating. 

Ika nga, si Cayetano ang tinanghal na overall champion kung ang mga rating nila ang pagbabasehan natin.

Anong say ninyo?

Kaya naman, todo-todo ang pasasalamat ni Cayetano sa mga kasapi ng kongreso at mga empleyado nito sa sipag, tiaga at determinasyon na matalakay at maipasa ang mga panukalang batas lalo na ang mga priority measures ng Duterte administration.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tala ng Rules Committee ng kamara, umabot sa 900 na panukala ang prinoseso ng mga kongresista mula Hulyo hanggang ngayong Pasko sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Ika nga, katumbas sa 28 na panukala kada araw sa loob ng 32 araw na sesyon ng kamara. Dalawa na rin ang ganap na naging batas: ang pagtatatag ng Malasakit Centers at ang pagpapaliban sa barangay elections.  

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pipirmahan na rin ni Boss Digong ang 2020 General Appropriations, ang Sin Taxes at ang Salary Standardization. Ang mga ito ay naglalayong dagdagan ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.

Nasa 93 naman ang mga panukala na pinagtibay ng kamara sa 3rd o final reading. Kasama rito ang pagpapababa sa optional retirement ng mga government employees from 60 pababa sa 56 years old.

Hindi lang sa SEA Games nag-overall champion ang Philippines my Philippines kundi maging si Cayetano ay champion din.

Ano ngayon ang masasabi ng mga satsahero o mga kritikong walang mga ngipin? Abangan.

ALAN CAYETANO

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with