^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakamit din ang hustisya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nakamit din ang hustisya

Pagkaraan ng 10 taon, nakamit din ang hus­tisya ng mga biktima ng karumal-dumal na Ma­guin­­danao massacre. Sabi ng mga eksperto sa batas, mabilis pa nga raw ang 10 taon na itinagal nang paghatol sa ganitong klase ng krimen. Sa dami ng mga akusado –180 --- mabilis pa ang 10 taon para maibaba ang hatol.

Kahanga-hanga raw ang mabilis na paghahatol na ginawa ng babaing huwes sa mga nasasakdal. Hindi raw pangkaraniwan ang kasong ito lalo na’t ang mga sangkot ay maimpluwensiyang pamilya na hawak ang isang buong probinsiya.

Kahapon, ganap nang natighaw ang kauhawan sa hustisya ng mga kaanak ng biktima. Hinatulan ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes ng habam­buhay na pagkabilanggo na walang parole ang mga akusadong sina Datu Andal Unsay Ampa­tuan Jr., Datu Zaldy Ampatuan, Datu Anwar Ampa­tuan Sr., Datu Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., Datu Anwar Sajid Ampatuan, Manny Ampatuan, Mohades Ampatuan at Misuari Ampatuan.

Kasama ring hinatulan ng guilty ang 20 iba pa. Umabot sa 761 pages ang promulgation of judgment. Pawang ang mahahalaga lamang na naka­saad sa promulgation ang napagkasunduan ng mag­kabilang panig na basahin. Inabot ng isang oras ang pagbabasa ng hatol na nagsimula ng 11:05 ng umaga.

Bagama’t partial lamang ang paghahatol kahapon, sapagkat mayroon pang hindi nahuhuli sa mga akusado, marami na ang nasiyahan sapag­kat ang mga principal na akusado ay nahatulan. Ka­hapon din ay dinala na sila sa New Bilibid Prisons para pagdusahan ang ginawang karumal-dumal na krimen.

Nararapat namang mahuli ang iba pang akusado para maging ganap na ang paghahatol. Kapag nahuli ang sinasabing 80 pang akusado, dito masa­sabing tapos na ang kaso at ganap nang matata­himik ang kalooban ng mga naulila. Hangga’t hindi nadadakip ang iba pang may kinalaman sa krimen, aandap-andap ang kalooban ng mga kaanak ng biktima. Sana madakip sa lalong madaling panahon ang mga nakalalayang akusado.

MA­GUIN­­DANAO MASSACRE.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with