^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Banta sa 2 water concessionaires

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Banta sa 2 water concessionaires

KUNG hindi pa nagmura si President Duterte sa dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water, hindi pa malalaman ng taumbayan ang tunay na isyu na sinisingil pala ng mga ito ang gobyerno ng P10.8 bilyon. Ang halagang ito ay danyos na pinag-utos ng Singapore Arbitration Court.

Katwiran ng water concessionaires, hindi raw nila ito kinita noong 2013 nang ayaw silang payagang makapataas ng singil ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ito ang dahilan kaya naghain sila ng reklamo sa Singapore Court.

Pero nakita ito ni President Duterte at binantaan ang dalawang water concessionaires na kakasuhan ang mga ito ng economic sabotages. Nagputok ang butse ng Presidente at malulutong na mura ang sinabi sa dalawang malalaking water concessionares­ na nakakuha ng kontrata sa gobyerno noong 1998. Noong Biyernes, binantaan ng Presidente ang May­nilad at Manila Water na ipati-take over ang mga ito sa military kapag hindi binago ang sistema.

Tumiklop ang Maynilad at Manila Water sa banta ng Presidente at nagpahayag na hindi na nila sisingilin ang P10.8 bilyon at hindi na rin sila hihirit nang pagtataas sa singil ng tubig sa darating na Enero 2020.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability noong nakaraang linggo, sinabi ni Manila Water President at CEO Jose Almendras at Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez na hindi na nila isusulong ang paniningil ng danyos na ipinag-utos ng Singapore court. Handa na umano silang makipagtulungan sa pamahalaan sa posibleng pagbabago ng concession agreements. Mariin din nilang sinabi na wala nang mangyayaring pagtataas ng singil sa tubig.

Paano kung hindi pumiyok ang Presidente at nagpatangay na lang sa agos gaya nang karaniwang­ ginagawa ng ilang pinuno. Tiyak na magpapatuloy ang paniningil ng dalawang water concessionaires at ang mamamayan ang kanilang pipigain.

Mabuti at nakita ang balak na “panlalamang”. Nakaligtas ang mamamayan sa bayarin na parang “igini­gisa sa sariling mantika”. Lubhang kawawa ang ma­hi­hirap na matagal nang nagtitiis sa kasalatan ng buhay.

MWSS

RAMONCITO FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with