Saan humuhugot ng lakas si Sen. Bong Go?

PARANG may pagka-Superman si Senator Christopher “Bong” Go dahil nagagampanan niya ang lahat ng kanyang tungkulin bilang senador at hanggang ngayon na pagiging katuwang ni President Duterte. 

Sinabi naman ni Bong noong kampanya para sa May 2019 elections na kahit paano hindi niya iiwanan ang Presidente kahit na senador na siya. Kasi nga mahigit nang 20 taon na naging closest assistant ng Presidente si Bong. Kung anuman ang pangangailangan ng Presi­dente, from A to Z, alam ni Bong kung ano ang mga gagawin.

At hindi naman pabaya si Bong sa kanyang trabaho bilang senador ng bayan. Nagawa pa nga niyang maipasa ang Senate Bill No. 1076 na kilala bilang Malasakit Center Act of 2019.

Ang batas ay para sa kapakanan ng nakakarami lalo na sa medical needs. Naging aktibo naman si Bong sa pag-uusap o discussion sa anumang paksang pinag-usapan sa Senado.

Maliban sa kanyang mga tungkulin sa Senado at maging sa kanyang gawain sa tabi ng Presidente, si Bong ay walang kasingbilis sa pagresponde sa mga nasunugan o sa kung saan man may mga sakuna.

Minsan nga tinatanong ko ang sarili kung natutulog pa ba ang isang “Bong Go” sa bigat ng mga responsibilidad at mga gawaing kanyang ginagampanan sa kasalukuyan.

E, ako nga tuwing maisip ang schedule at ang mga pinaggagawa ni Bong Go hindi ko maiwasang mamangha kung paano niya ito nagagampanang lahat.

Show comments