^

Metro

Panday Sining, ‘persona non grata’ na sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Panday Sining, ‘persona non grata’ na sa Maynila
Nabatid na ikinairita ng Manila City Government sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno ang makailang beses na pagsusulat at pagpintura sa mga poste, pader kabilang ang isang eskwelahan ng nasabing grupo.
The Star/File

MANILA, Philippines — ‘Persona non grata’ o hindi na welcome sa Maynila ang militanteng grupong Panday Sining kaugnay ng ginawang vandalism sa mga istruktura sa lungsod.

Ito ang binigyang-diin ni Manila Vice Mayor Ho­ney Lacuna nang ianunsiyo niya sa Mayor’s weekly Facebook live broadcast na inaprubahan na ng Manila City Council, alinsunod sa unaprubahang  resolusyon na nagdedeklara sa Panday Sining bilang ‘persona non grata’.

Nabatid na ikinairita ng Manila City Government sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno ang makailang beses na pagsusulat at pagpintura sa mga poste, pader kabilang ang isang eskwelahan ng nasabing grupo.

Hindi umano makataru­ngan na ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na linisin at pagandahin ang lungsod ay dudungisan sa paghahayag ng kanilang saloobin kontra gobyerno.

Matatandaang binura at ipinalinis ng alkalde ang mga pader ng Lagusnilad Underpass, pader ng Araullo High School, at maging poste ng Light Rail Transit (LRT), kung saan muling inulit pa ng mga miyembro ng grupo at naaktuhan noong nakalipas na Nobyembre 30 ang apat na miyembro dahilan upang sila ay arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

HO­NEY LACUNA

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with