^

PSN Opinyon

Ang P10 million donation ng mga kongresista, bow

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SAMPUNG milyon piso ang pinaluwal ng nagkaisang mga kongresista para dagdagan ang gantimpala ng mga Pinoy athletes na nakasungkit ng gold medal sa 30th SEA Games.

Wow, ang gandang Pasko ito, with matching bonus pa! Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibibigay na lamang ng mga kongresista ang kanilang suweldo sa Enero 2020 sa mga Pinoy SEAG gold medalists bilang pagkilala sa ibinigay nila sa Philippines my Philippines na karangalan na hindi matutumbasan sa salapi.

Ika nga, congrats Pinoy players! 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang salaping ipagkakaloob sa mga gold medalist Pinoy players ay bahagi ng House resolution 568 na layong bigyan sila ng parangal at ipakita ang kanilang suporta sa mga Pinoy athletes na nagsipanalo sa palaro.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinangunahan ito nina Speaker Cayetano na siya ring presidente ng PHISGOC, House Majority Leader Martin Romualdez;  Deputy Speakers Paolo Duterte at Prospero Pichay; House Committee on Accounts chairman Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee at House Committee on Youth and Sports Development chairman, Rep. Eric Martinez. 

Ang P10 million ay dagdag na pabuya sa cash prize na nakuha ng mga Pinoy gold medalists mula sa POC. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana may mga sumunod na mga pulitiko at ang mga multi-millionaire na Pinoy sa Philippines my Philippines sa pagbibigay ng karagdagang premyo sa ating mga ‘Bayaning Filipino!’

Ano pa ang inaantay ninyo?

Dukot na. Hehehe!

Bagong trabaho ng 100 senior citizens sa NAIA

MAY balitang 100 mga senior citizen na leaving near NAIA ang pinakabagong batch na inilista para sa work-for-pay program gawa-para-pay program na sinimulan ni Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Party-list sa pakikipagtulungan ng DOLE at ng Pasay City at Parañaque City LGU’s.

Isang kasunduan ang ikinasa nina Ong, Labor Secretary Silverstre Bello III, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal, Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto at mga kinatawan ng Parañaque City lokal na pamahalaan at mga senior citizen groups na payagan ang huli na magtrabaho sa NAIA.

Noong isang linggo, tumira na rin si Ong sa Cebu para sa pormal na kickoff sa parehong work-for-pay program para sa mga senior citizen sa Central Visayas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Ong ay nakikipagtulungan sa DOLE upang i-tap ang Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers o  TUPAD program upang magbigay ng trabaho para sa mga senior citizen hindi lamang upang mabigyan sila ng pang-economic opportunities at maramdaman na may silbi pa rin sila sa lipunan sa kabila ng kanilang katandaan.

Sinabi ni Ong, ang sahod ng mga senior citizens na nabigyan ng kanilang panibagong trabaho ay ibabatay sa minimum wage sa bawat rehiyon.

Hinihikayat din ni Ong ang mga private sectors na tanggapin sa kanilang tanggapan ang mga senior citizens para magkatrabaho at bilang kapalit may karagdagan pagbabawas sa buwis mula sa kanilang gross income na katumbas ng 70% sa kabuuang halaga na binayaran ng sahod sa mga senior citizen na napapailalim sa pagsunod o mga partikular na probisyon ng Internal Revenue Code.

Ayos ito!

Abangan.

DONATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with