^

PSN Opinyon

SEA Games, hindi nagpadaig kay Tisoy

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA awa ng Poong Maykapal hindi gaanong naramdaman ang Bagyong Tisoy dito sa Metro Manila. Hindi tulad sa mga probinsiyang dinaanan nito na maraming napinsala. Nasira ang pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga kaba­bayan.

Gayunman pinaghandaan pa rin ito ng Metro Manila mayors. Nagpalikas din sila ng mga tao sa mga lugar na pu­wedeng bahain tuwing may dumarating na bagyo. Dahil nga ideneklara ng PAGASA na signal number 2 ang Metro Manila.

Meron ibang mga laro sa SEA Games na sinuspende dahil nga sa pagtama ng Bagyong Tisoy, pero hindi nagpadaig ang marami nating kababayan dahil kahit merong signal ang PAGASA sugod pa rin sila sa mga venue ng mga nagaganap na laro.

Mainit pa ring sinuportahan ng ating mga kababayan ang mga manlalarong Pinoy. Tingnan n’yo naman ‘di ma­pigilan ang mga natatamasang gintong medalya ng ating mga atleta. Inspirado sila sa mga sigawan ng mga kababayan nating manonood.

Nagkaroon man ng konting aberya at batikos bago magsimula ang SEA Games, nabura lahat ito nang magsimula ang opening sa Philippine Arena. Nagkaisa ang mga Pilipino at sinuportahan ang mga atletang Pinoy.

Nakapanindig balahibo ang sigawan at kantahan na nangyari sa pagbubukas ng SEA Games. Ultimo si Pre­si­dent Digong ay napaindak sa ganda ng tugtuging “Manila” ng grupong Hotdog. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Tameme lahat ang mga batikusero. Ipinakita ng mama­mayang Pilipino na meron pa rin tayong pagkakaisa sa ating bansa. Para sa akin ito na ang pinakamagandang opening night ng SEA Games.

Nagpamalas din ng disiplina ang mga motorista. Binigyang daan ang motorcade ng mga atleta upang maiwasang maantala ang mga ito.

Tama ‘yan, magkaisa tayo, suportahan ang mga manlalarong Pilipino dahil sa atin sila humuhugot ng kanilang lakas at liksi. Tingnan n’yo naman, hindi nasayang ang ating mga sigaw dahil maganda ang sinusukli nila sa atin. Bumabaha sa kasalukuyan ang gintong medalya ng Pilipinas na habang sinusulat ko ang kolum na ito ay nasa 58 na.

RODRIGO ROA DUTERTE

SEA GAMES

TISOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with