HALOS 90% sa madlang Pinoy sa Philippines my Philippines ang pobreng alindahaw kaya naman ang iba sa kanila na may mga iniindang sakit ay walang pambili ng gamot.
Bakit?
Walang perang pambili!
Isa pang problema, mahal ang gamot-for maintenance sa diabetes, sa heart, hika, hypertension lalo na ang para sa mga cancer patients.
Ang presyo, abot hanggang “langit!”
Mapapaiyak ka like a cow sa mahal ng gamot lalo’t mahirap ang nangangailangan.
Ano kaya ang tulong na magagawa ng gobierno para sa mga kapos palad na mga pobreng alindahaw?
Esep-esep!
Ang balita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mura ang gamot sa India parang pinamimigay na lamang nila ito sa kanila kumpara ang halaga ng gamot sa Philippines my Philippines.
Dito na tayo magpa-import ng mga gamot.
Sabi nga, government to government ang dealing!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang may diabetes. Ang mamahal ng gamot nila, lifetime pa ang inuman.
Magkano ang halaga ng isang gamot? Saan kukuha ng pambili ang walang pera? Libre ba ang gamot sa mga ospital?
Ano na kaya ang nangyari sa Cheaper Medicine Act ng pamahalaan?
Sino kaya ang humaharang o may nagla-lobby kaya?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang kumpas lamang ni Boss Digong tiyak bababa ang presyo ng mga gamot.
Sabi nga, isang pirma ng executive order lang ito ni Boss Digong!
Ayos na ang buto-buto.
Abangan.
We are sorry, bow
HUMINGI ng paumanhin sina Boss Digong at House Speaker Alan Cayetano na siyang chairman ng Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee o PHISGOC sa lahat ng madlang Pinoy at mga atleta sa mga nangyaring aberya sa ginawang preparasyon ng Philippines my Philippines sa 30th SEA Games.Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na alam nilang normal na may nangyayaring aberya sa mga malakihang sports events kahit saan mang lugar ng mundo pero nakakahanga ang ginawa ng dalawang mataas na opisyal ng gobierno na humingi ng “sorry” sa madlang people at sa lahat ng kasali sa palaro.
Nangako sina Boss Digong at Cayetano na sosolusyunan ang anumang gusot sa SEA Games. Nakahanda ang Philippines my Philippines sa alok nang mag-bid sa hosting ng Asian Games sa 2030 dahil ang ipinagawang sports venues ay pang olympic ang kalidad tulad ng stadium at aquatic center sa Clark City.
Ipinagmamalaki rin ng dalawang opisyal ang ginawang paghakot ng may 37 gold medals ng koponan ng Philippines my Philippines dahil nahigitan pa nito ang 23 gold medals na nakuha noong 2017 SEA Games.
Ano kaya ang masasabi dito ng mga kritiko? Alam natin kahit papaano ay natuwa sila sa ipinamalas ng ating mga atleta at ganda ng naging preparasyon sa sports events.
Ano sa palagay ninyo?