^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Si ‘Tisoy’ at ang dengue

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Si ‘Tisoy’ at  ang dengue

BINAYO ni Bagyong Tisoy ang Bicol Region at Southern Tagalog provinces kahapon at nag-iwan nang malaking pinsala sa mga ari-arian at pananim. Walang tigil ang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar. Maski ang Metro Manila ay nakaranas nang malakas na pag-ulan sa buong maghapon. Marami sa mga residente sa Bicol at Mindoro pro­vinces ang inilikas at kasalukuyan pang nasa eva­cuation center. Hindi pa matiyak ang halaga ng mga napinsalang bahay at pananim pero ang tiyak, hindi maganda ang magiging Pasko ng mga apektadong pamilya. Kung kailan pa malapit na ang Pasko saka dumating ang kalamidad.

Pero may isa pang kinatatakutan ngayon makaraan ang paghambalos ni Tisoy – ito ay ang pagtaas pa ng bilang ng kaso ng dengue. Marami na namang lamok (Aedes Aegypti) ang tiyak na mangingitlog dahil sagana ngayon sa tubig baha. Maraming naipong tubig sa mga basyong bote, sirang planggana, gulong ng sasakyan, bao ng niyog, plorera, at sa mga basurahan. Tiyak ding darami ang lamok sa tambak ng basura sa mga estero. Mabilis mabuhay ang mga kiti-kiti kahit pa sa kaunting tubig lang. Kahit sa tansan, puwedeng mabuhay ang mga kiti-kiti. Isang iglap lang at magiging halimaw na ang mga ito at unang bibiktimahin ay mga bata.

Sa report ng Department of Health (DOH)-Epidemiology Bureau, umabot na sa 402,694 kaso ng dengue ang naitala mula noong Nobyembre 16. Mas marami ang kaso ng dengue ngayon kaysa naka­raang taon na umabot lamang sa 209,335. Sabi pa ng DOH, mayroon nang 1,502 katao ang namatay mula Enero hanggang Nobyembre 2019 dahil sa dengue.

Nakakatakot ang biglang paglobo ng dengue at tiyak na darami pa dahil sa pananalasa ni Tisoy. Marami pa naman ang natakot sa bakuna dahil sa Dengvaxia controversy kung saan marami umanong bata ang namatay. Hindi na pinayagan ng pamahalaan ang kontrobersiyal na bakuna na ginamit noong 2016.

Mahalaga ang kalinisan sa kapaligiran at maging sa loob ng bahay para maiwasan ang dengue. Sirain o itapon ang mga posibleng pangitlugan ng lamok. Kapag nakita ang sintomas ng dengue sa mga anak, dalhin agad sa ospital. Ang mga sintomas ng dengue ay lagnat na tumatagal ng 1 linggo, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

BAGYO

DENGUE

TISOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with