^

PSN Opinyon

Pres. Digong napasayaw sa SEA Games opening

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

VERY obvious na naaliw si President Duterte sa pagdalo­ niya sa opening ng 2019 SEA Games. Napasayaw pa siya sa saliw ng masayang tugtugin habang katabi si Sultan Hassanal Bolkiah. Dalawang oras lang pala ng Southeast Asian Games opening show ang kinailangan upang supalpalin ang mga nambabatikos at pumupuna sa pagho-host ng Pilipinas sa palaro. Namangha ang sam­bayanang Pilipino sa opening show ng SEAG na dina­luhan ng libu-libong tao. Kitang-kitang pumapalakpak si Digong sa pagrampa ng koponan ng Pilipinas sa entablado. 

Puring-puri ng Pangulo ang mga organizers, per­for­mers­ at volunteers na nasa likod ng pagtatanghal. Isang gabi ng pagpapakita ng pagkakaisa at kulturang Pinoy. Lahat ay tumayo at nagpugay sa mga atletang Pinoy. Hindi magkamayaw ang hiyawan ng mga nasa loob ng Philippine Arena bilang pagsuporta sa mga manlalaro ng SEA Games.

Ayon nga kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isang pagpapakita ng unity ng mga Pilipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t-ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy. Kaya naman natameme ang mga detractors ng SEA Games. 

Sino ba naman ang hindi mapapaluha sa tuwa sa pag­­­rampa sa entablado ng walong sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren “Bata” Reyes. Kaya pati ang sikat na The Strait Times ng Singapore ay agad inilathala sa kanilang paha­­­yagan na dalawang oras lang ang katapat upang ma­bura ang mga negatibo at mapanirang balita sa 30th SEA Games sa nagdaang ilang araw.

Kaugnay nito, umaasa ang Palasyo na magsi­silbing inspirasyon at tutularan ng ibang bansang­ nakatakdang mag-host ng SEA Games sa susunod­ na mga taon ang hosting ng Pilipinas sa naturang­ palaro. Kaya sana ay itigil na ng mga kritiko ang mga mapanirang komento sa SEA Games at supor­tahan na lang ang ating mga manlalaro na patu­loy humahakot ng gintong medalya. 

Sa unang araw pa lang ng kompetisyon ay  naka­pagtala na ng 23 gintong medalya. Kaya naman, inaasahan ng mga organizers at sports officials ng Pilipinas na makokopo ng ating bansa ang over all championship sa 30th SEA Games.

PRESIDENT DUTERTE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SULTAN HASSANAL BOLKIAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with