^

PSN Opinyon

Fake News, salot sa 2019 SEAG

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IKINUKUMPARA ni Sen. Ping Lacson ang paglalaan ng public funds sa Philippine Southeast Asian games Organizing Committee sa  pork barrel scam ni Janet Napoles. Bakit? Si Napoles ay nagsustento ng malaking halaga ng pondong bayan sa mga pekeng proyekto ng mga ghost ins­titutions sa pakikikutsaba ng ilang tiwaling mambabatas.  

Ang PHISGOC ay lehitimong samahan na nanga­­ngasiwa sa napakalaking international sports event na magbibigay ng karangalan sa Pilipinas. Parang ikinukumpara ni Lacson ang masarap na mansanas sa bulok na kamatis. Nirerespeto ko at hinahangaan si Lacson pero hindi sa ganitong pahayag na matatawag na fake news.

Binabato ng mga  mapanirang pekeng impormas­yon ang 2019 SEA Games. Una, nag-akusa si Sen. Franklin Drilon na overpriced ang Php 45 milyong cauldron na likha ng isang national artist. Sinundan pa ito ng mga report sa aberya sa pag-estima sa mga foreign athletes pati na ang pagpapakain umano ng “kikiam” na hindi totoo, sapagkat ang isa sa maraming masarap na pagkaing inihanda ng hotel sa buffet table ay hindi kikiam kundi chicken sausage. Malinaw na political demolition ito.

Ang aberya ay normal saan mang bansa idaos ng SEA Games. Ang PHISGOC ay nakapagpatupad ng mga pro­yekto para sa SEA Games. Maayos ang mga sports facilities  at mga gamit ng mga atleta. Mismong mga international organizations ay kumbinsidong world-class at naaayon sa Olympic standard ang mga ito. Si Lacson mismo ang nagsabi na kinunsulta ni Cayetano ang Commission on Audit (COA) sa bawat hakbang ng PHISGOC sa paggamit ng pondo. 

Dati nang namahala ang PHISGOC sa mga idinaos na SEA Games tulad noong 2005 nang huling naghost ang Pilipinas ng palarong ito. Kahit private foundation ang PHISGOC, 80 percent ng mga miyembro ay mga government officials. May representasyon ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee sa PHISGOC.  

Naipakita rin sa Senado ni Cayetano,  ang breakdown ng pinaggamitan ng P1.5 bilyong pondo. Hindi direktang hinawakan ng PHISGOC ang pondo dahil inirekomenda ni Cayetano na Department of Budget and Management ang hahawak nito. Sa kabila nito’y ang PHISGOC ang kumilos para mapabilis ang paghahanda sa SEA Games at matiyak na matutuloy ito. 

Tiniyak ni Cayetano na pagkatapos ng palaro ay handa siyang humarap sa imbestigasyon para lumitaw ang katotohanan. Sineguro din niya na magkikipagtulungan sila, pero habang ginaganap ang torneo, huwag namang magpakalat ng fake news at pagtuunang-pansin na lang ang pagsuporta sa ating mga atleta at matagumpay na paghohost ng SEA Games.

. PING LACSON

JANET NAPOLES

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with