Mabuti sa katawan ang saluyot

ANG saluyot ay isa sa pinaka-masustansiyang gulay sa mundo. Puwede itong kainin ng may diabetes, sakit sa puso at mataas ang cholesterol.

Mainam itong isahog sa diningding, inabraw, paksiw, ginisang labong at bulanglang.

Siksik ito sa Vitamin A, B2, B3, B5, B6, B9, C, E, K, cal­cium, iron, copper, potassium at iba pa.

Kahalagahan ng mga bitaminang makukuha sa sa­luyot:

l Vitamin K -- nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.

l Vitamin A at beta-carotene -- para sa mata, balat, pagsasaayos ng selula sa ating katawan tulad ng paggaling ng sugat.

l Vitamin B6 o pyridoxine -- para makaiwas sa sakit sa mata dahil sa pagtanda.

l Vitamin C o ascorbic acid -- napakalaking tulong para sa ating immune system, balat at para makaiwas sa ubo, sipon at nang hindi mauwi sa pulmonya o impek­syon sa baga.

l Calcium -- kailangan para mapatibay ang buto, ngi­pin at gilagid.

l Vitamin E -- para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at malinaw na mata.

l Iron -- kailangan para sa malusog na red blood cells.

Show comments