^

PSN Opinyon

Salamat at ipinatigil ang e-cigarettes

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Kapuri-puri ang ginawa ni President Duterte na pagpapatigil sa pag-import at paggamit ng vape o e-cigs. Umaksiyon siya agad sapagkat alam niya na maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga Pinoy particular na ang mga kabataan. Isang makabuluhang hakbang ang ginawa niya at hindi ito malilimutan. Maraming masasagip na buhay ang pagpapatigil sa paggamit ng vape.

Hindi naman dapat pang suportahan o iboto ang mga mambabatas na nagsabing sa halip daw na ibawal ang paggamit ng vape ay buwisan na lamang o patawan ng tax ang produkto. Kikita raw nang malaki ang pamahalaan kapag binuwisan ang e-cigarette. Isa pa, hayaan daw ito sapagkat alternatibo ito sa sigarilyo. Marami na raw ang kumalas sa paninigarilyo at ngayon ay nagbi-vape na lang. Sana raw ay isipin din ang kalagayan ng mga tumalikod sa pagyoyosi.

Hindi dapat pakinggan ang proposal ng mga mambabatas. Tama sila na kikita ang pamahalaaan sa tax pero ito ay tiyak na gagastusin din sa pagpapagamot ng mga tatamaan ng sakit dahil sa vape.

Hindi pa ba sapat ang balita na isang 16-anyos na babae sa Central Visayas ang nagkasakit dahil sa pagbi-vape. Malinaw ang ebidensiya na talagang nagdudulot ng sakit ang pagbi-vape. Wala ring pinagkaiba sa sigarilyo ang vape na sinisira ang baga at pati na ang puso.

Hindi masasabing ang vape ay makakatulong para makaiwas sa pagyoyosi. Hindi rin tumigil sa pagsisiga­rilyo bagkus ay lumipat lang ng ibang produkto at ganundin ang lason na taglay.

Itigil ang e-cigarettes. Masama ito at nakamamatay.

--JOHN CARMONA, Oriental Mindoro

E-CIGARETTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with