Mga deportees
THREE hundred foreign nationals karamihan ay mga Chinese nationals ang ipinatapon ng Bureau of Immigration pabalik sa kanilang port of origin dahil sa illegal na pagta-trabaho sa Philippines my Philippines.
Isasakay sila ng BI sa tatlong magkakahiwalay na chartered flights kabilang ang China Eastern flight going to China.
Ang foreign nationals ay bahagi ng 512 na hinuli noong 09 October 2019 sa Millennium Bldg., Pasay City.
Kabilang sa mga idi-deport ay 21 menor de edad na nahuli rin sa operation.
Umalis ang unang flight kahapon ng hapon samantala ang dalawang nagkakasunod na flights ay umalis ng gabi.
Para sa kaligtasan ng mga idi-deport pina-eskortan ang mga ito sa BI Intel papunta sa eroplanong sasakyan malapit sa NAIA terminal 1.
Sana madaliin pa ang deportation ng mga natitirang deportee. Abangan.
Ang OFW’s sa HK, bow
MUKHANG iisnabin ng mga OFW’s sa Hongkong na bumalik sila sa Philippines my Philippines dahil mas kalmado silang may trabaho sila dito kahit na may mga marahas na nangyayari sa pagitan ng mga pulis laban sa mga protesters.
Six months na ang gulo sa Hongkong dahil sa pagtutol sa isang panukalang batas na naging dahilan ng malaking kaguluhan.
Ngayon lang nangyari sa Hongkong ang pag-tear gas, paluan at habulan sa pagitan ng mga protesters at police doon.
Ayon sa mga OFW’s sa Hongkong hindi naman sila kasama sa nangyayaring gulo dahil nakatutok lang sila sa pagtatrabaho kaya ayos lang na manatili sila dito.
Ang problema nila ay baka humina ang ekonomiya sa Hongkong at maapektuhan sila sa kanilang trabaho.
Ano sa palagay ninyo? Abangan.
- Latest