Tanggol Asukal Network vs Sugar Import Liberalization

PINURI ng bagong tatag na organisasyon ang “Tanggol Asukal Network” ang karamihang miyembro ng Senado ng Philippines my Philippines dahil sa pagtanggi nila sa plano ng economic managers ng PH upang gawing liberal ang sugar importation.

Sabi nga, bhe, buti nga!

Sinabi ni Antonio Flores, isa sa mga spokespersons ng Network, na sumasang-ayon sila sa Senate resolution na ang nakaplanong sugar liberalization ay magkaroon ng katakut-takot na kahihinatnan sa sugar workers at mga magsasaka.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Tanggol Asukal Network ay nabuo sa pamamagitan ng “Unyon Ng Mga Manggagawa ay isang Agrikultura” o UMA at ng National Federation of Sugar Workers o NFSW last Nobyembre 8 kasama ng iba pang mga stakeholder sa industriya ng asukal. 

Ito ay binubuo ng mga sugar workers, small planters, na naglalayong lumikha ng isang kilusang masa laban sa sugar-import liberalization.

Hinimok ng Network ang Senado, lalo na si Senator Migs Zubiri upang magsagawa ng isang pagdinig sa nakaplanong import liberalization at mag-imbita ng mga sugar workers at small planters sa nasabing aktibidad. 

Dapat marinig ng Senado ang kalagayan ng mga sugar workers na isa sa mga pinakamababang sahod sa manggagawa sa Philippines my Philippines at small planters na bihirang nabibigyan ng tulong ng pamaha­laan sa pamamagitan ng subsidies hindi tulad ng kani­lang mga counterparts sa Thailand,

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kamakailan dalawang resolusyon sa Kongreso ang dumaan laban sa sugar import liberalization. Ang una ay inihain ng 21 mambabatas mula sa sugar producing pro­vinces last Oktubre 3 sa ilalim ng pamumuno nina Rep. Francisco Benitez at Rep. Joseph Stephen Paduano.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito naman ay sinundan nang ihain ng blokeng Makabayan last October 16. 

Inilarawan ng Makabayan ang mga economic ma­nagers ang kalagayan ng sugar workers at planters. Idinagdag nila na kung ang mga economic managers ay taus-pusong lutasin ang gutom at tulungan ang maliliit na magsasaka, dapat silang makahanap ng mga alternatibo maliban sa liberalisasyon.

Tinatawagan ng Tanggol Asukal Network ang lahat ng mga pumapalag sa sugar import liberalization, sila man ay mga manggagawa, planters o plain consumers na magkaisang labanan ito upang matiyak na hindi lamang sa kabuhayan ng mga manggagawa at planters ngunit upang tulungan ang Philippine sugar industry laban sa pagsalakay ng neo-liberalism.

Ano say n’yo?

Abangan.

Paningit para sa GSIS

IBINIDA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang House Bill 228 o ang Act Further Strengthening the GSIS.

Sabi ni Rep. Castro, matagal nang panawagan ng mga kawani ng pamahalaan, lalo na ang mga guro at education support personnel na bumubuo sa mayorya ng humigit-kumulang 1.7 milyon sa burukrasya, ang mga benepisyong nakakaagapay sa hirap ng buhay ngayon.  

‘Kung tumataas ang presyo, dapat tumataas din ang retirement at survivorship benefits. Kung nagmamahal ang gamot, dapat itaas din ang disability benefits at dividends ng GSIS members,” birada ni Rep. Castro.

“Demand din ng mga kawani ang isang ‘responsive GSIS’ na tutugon nang maagap sa claims nila, at mga mekanismo upang maging accountable ang mga ahensya ng gobyerno na employer nila sa tuwing may delayed remittance, non-remittance, o anumang paglabag na nagbabawas sa mga benepisyo nila.”  

Abangan.

 

 

Show comments