^

PSN Opinyon

Buhok: Bakit manipis at nalalagas?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG mga parte ng buhok ay ang sumusunod:

  • Ang hair follicle ang nagpapalusog sa buhok, Dito tumutubo ang buhok.
  • Ang hair shaft o mismong buhok ay mula sa matigas na protina na ang tawag ay “keratin”.
  • Ang hair root o ugat ang nagpapahaba sa buhok ng mga kalahating pulgada kada buwan.

Mayroong proseso ng paglago o growth cycle ang buhok. Ang unang stage ay active growth na inaabot ng taon. Ang resting phase ay mula 3 to 6 na buwan kung saan ang follicle ay naka-relax lang ang hawak sa hair shaft o buhok, dito mabilis mahulog and buhok. Tapos babalik na ulit sa growing phase ang buhok. Pero sabay-sabay ito nangyayari, depende sa edad ng buhok.

Sa anit (scalp) ay mas madaling humaba ang mga buhok. Sa ibang lugar tulad ng kilay at kilikili ay mas matagal ang paghaba ng buhok.

Alam n’yo ba na 100,000 hangang 150,000 buhok ang nasa anit. Ang 10-20% nito ay nasa resting phase at puwedeng mahulog, kaya nga 50-100 buhok ang puwede nahuhulog araw-araw. Normal lang ito.

Pagnipis ng buhok:

Ang isang dahilan kung bakit nahuhulog ang buhok ay ang pagbabago ng hormones. Ang receding hairline ay maaaring unti-unti o mabilis. Mayroon ding male pattern­ ng pagnipis ng buhok dahil sa lahi o namamana kaya tingnan ang mga kaanak.

Mayroon ding female pattern ng pagnipis ng buhok kung saan numinipis lang ang buhok pero hindi umuurong. Dahil sa pabagu-bago ng hormones kaya nahuhulog ang buhok 3 buwan pagkapanganak. Ang iba pang sanhi ay menopause, pagtigil ng birth control pills sa loob ng 1-3 buwan, pag-edad, mga stress tulad ng namatayan, naaksidente, problema, pagod at sakit tulad ng sa thyroid.

Ang iba pang sanhi ay ang kakulangan sa nutrisyon, kulang sa protina, laging gutom o nagdidiyeta.

Para malaman kung hindi normal ang hairfall ay kumuha ng magnifying glass at tingnan ang mga buhok. Pag nabali o hair shaft breakage ang dahilan, mayroon pwedeng gawin tulad ng pagiging gentle o maingat sa buhok, bawasan ang sobrang pag-brush, pag-shampoo o pagtali. Huwag ipamasahe ang anit dahil baka mabali ang buhok. Wala munang kemikal tulad ng hair dyes, bleaching, pang-kulot o pang-unat. Puwedeng gumamit ng mga protein conditioners at cream rinse.

Pangalagaan and hair roots o ugat sa pamamagitan ng pag-iwas sa braid at mahigpit na ponytail. Iwas din sa maiinit na rollers.

Kapag patse-patse ang pagkakalbo ay dahil sa sakit sa balat o fungal infection tulad ringworm. Ang ringworm ay isang fungal infection, korteng bilog ang pagkahulog ng buhok, mapula ang balat, nagbabalat, at makati. Madalas ito sa mga bata, galing sa alagang aso, pusa o kalaro. Pumunta sa dermatologist para bigyan ng anti-fungal cream tulad ng ketoconazole.

Mayroon ding Trichotillomania (hair pulling disorder) kung saan naging ugali na laging hinihila o binubunot ang buhok o iniikot ng mga bata.

BUHOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with