^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mapanganib ang e-cigarettes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Mapanganib ang e-cigarettes

BALAK ng Department of Health (DOH) na ipagbawal ang electronic cigarettes o vape dahil mapanganib ito sa kalusugan hindi lamang sa gumagamit nito kundi pati na rin sa mga nakala-langhap ng second hand smoke. Wala itong ipinagkaiba sa sigarilyo na ang usok ay nalalanghap at nagdudulot ng iba’t ibang sakit. Ang e-cigarettes ay isang aparato na nagpapasingaw ng isang solusyon at ito ang sinisinghot. Iba’t iba ang flavor ng solution na mapagpipilian ng mga gumagamit. Mula nang magmahal ang sigarilyo dahil sa ipinataw na excise tax, ang e-cigarettes ang kinahumalingan nang marami.

Babala ng DOH, posibleng magdulot nang malubhang sakit sa baga ang paggamit ng e-cigarettes. Marami nang kaso ng pagkakasakit ang naitala sa United States dahil sa paggamit ng e-cigarettes. Ayon sa report, 26 ang namatay at 1,299 ang nagkasakit dahil sa paggamit nito. Mabilis umano ang pagkakasakit ng mga indibidwal na gumamit ng vape at patuloy na iniimbestigahan. Sa loob lamang umano ng 90-araw na paggamit ng e-cigarettes, marami na agad nagkasakit at ang nakapagtataka ang mga gumamit ay dati namang malusog ang pangangatawan. Ayon pa sa report, pawang mga kabataan ang nakitaan ng sakit ka-ugnay sa paggamit ng e-cigarettes.

Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque III, kumpara sa sigarilyo, mas matindi ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarettes. Panawagan ng Health secretary, huwag na itong subukan ng mga kabataan sapagkat hindi ito mabuti sa katawan.

Isa sa magandang paraan upang hindi tangkilikin ang e-cigarettes ay itaas ang excise tax nito. Sa kasalukuyan, maliit na porsiyento lamang ang ipinapataw sa e-cigarettes kaya maraming dayuhang kompanya ang gumagawa sa bansa. Kapag itinaas ang tax, tiyak na tataas din ang halaga ng e-cigarettes at mapipilitan na huwag nang gumamit. Ganito ang nangyari nang itaas ang excise tax ng sigarilyo noong nakaraang taon. Nabawasan nang malaki ang mga naninigarilyo sapagkat hindi na nila kayang bumili na ang bawat stick ng yosi ay nagkakahalaga ng P5. Kapag ganito ang ginawa sa e-cigarettes, wala nang gagamit at maililigtas ang marami sa pagkakasakit.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with