^

PSN Opinyon

Malasakit ni Bong Go

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TUWING may kalamidad, ang mamamayang apektado ay humihingi ng tulong sa mga ahensiya ng pamahalaan. Lumalapit sila sa local government  units (LGUs), partikular na sa mayor. Subalit hindi lahat ng pangangailangan ay kayang ibigay ng mga mayor dahil kakarampot lang naman ang kanilang pondo para maitustos sa mga nasasa­kupan na nangangailangan. Kaya sa ibang sangay naman ng pamahalaan sila lumalapit at hindi naman sila nasi-zero dahil kahit paano ay nabibigyan sila ng kaunting tulong.

May isang taong nagmamalasakit sa ating mga kaba­bayan na kusang lumalapit at namimigay ng tulong. Siya si Sen. Bong Go, dating Special Assistant to the President. Tuwing may sunog, hindi ito nakakalampas kay Bong at agad niyang binibisita para matulungan. Kaya marahil ito ang naging daan kung bakit siya naluklok na senador. Su­balit kahit senador na siya, hindi pa rin siya nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan. Kahit saang sulok ng Pinas. matunog na matunog ang pangalan ni Bong.

Itinatag nina President Duterte at Bong ang Malasakit Center noong 2017 para makatulong sa mga mahihirap. Subalit habang pumailanlang ang mabuting adhikain ni Bong, may ilang pulitiko na nais itong pigilan at isa rito si Albay Rep. Edcel Lagman. Pilit hinahadlangan at pinupuna ni Lagman ang mabuting ayuda ni Bong.

Sabi ni Bong, ang Malasakit Center ay one stop shop at hindi ahensiya o tanggapan ng pamahalaan. Pinagaan at pinabilis ang serbisyo ng gobyerno para sa mga kapus­palad na nangangailangan ng medical attention dahil nag­sama-sama ang mga ahensiya ng pamahalaan na kinabi­bilangan ng PCSO, PAGCOR, DSWD, PhilHealth at DOH.

Paano raw masasabing ginagamit sa pamumulitika ang Malasakit Center gayong tapos na ang election at ang lahat ay maaaring humingi ng tulong ano man ang kanilang political colors. Basta nangangailangan ang isang kapuspalad na kababayan ay tutulungan sa Malasakit Center at hindi na kailangan ng ID at referral letter mula sa pulitiko.

Mula nang maitatag ang mga Malasakit Center, mahigit kalahating milyon na ang natulungan at walang tinanggihan ang mga ito. Tila nag-uulyanin na umano si Lagman matapos nitong batikusin ang mga Malasakit Center at planong paimbestigahan. Bukas naman si Bong sa balak ni Lagman.

LOCAL GOVERNMENT UNITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with