6 na payo na dapat gawin paggising sa umaga

MARAMING naaaksidente sa umaga. Lalo na sa ba­gong gising. Puwedeng mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang iyong katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at wala kang balanse sa pagla­lakad.

Sundin ang mga sumusunod na anim na payo para maging ligtas at malusog.

1. Ihanda na ang gamit at damit para sa kinabukasan bago matulog. Makakatulog kayo nang mahim­bing.

2. Paggising sa umaga, magpasalamat sa Diyos dahil marami ang hindi na nagigising. Sabi nga, “Every gising is a blessing.”

3. Paggising huwag tumayo agad at baka mahilo. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-stretch ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay puwedeng magdulot ng pagkahilo. Mayroon ding nagko-collapse at nagdidilim ang pani­ngin sa biglang pagtayo dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure. Mag-ingat po.

4. Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit sa mga lalaki. Baka inaantok pa at biglang mahilo o mag-collapse. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nagko-collapse ang tao habang umiihi. Mag-ingat dahil puwede itong mangyari.

5. Uminom ng 2 basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at mai-ihi ang dumi sa ka­tawan­. Turo ito ng Japanese water therapy.

6. Maging positibo na magiging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya sa iyo. God bless po.

Show comments