Abusadong public officials

WALA na tayong balita kay Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos. Sinipa na kaya siya ng kanyang mga kapartido? O ayos na ang pakuya-kuyakoy niya sa Kongreso?

Tikom na rin ang bibig ni Christian Kent Alejo na nagsampa ng reklamo laban kay Delos Santos. Hindi kaya nagkaroon ng aregluhan ang dalawa? Hindi dapat! Lalo na kung ang sangkot ay isang public official kailangang ma­bigyan ng leksiyon upang hindi tularan ng nakararami.

Isa pa itong si P/Master Sgt. Wilson Aquino na ani­­­mo’y pag-aari nya ang kalsada. Pare-pareho tayong mga motorist kaya dapat magbigayan, hindi yung ‘di nasunod ang gusto ay maglalabas na ng shotgun at tutu­­tukan ang kapwa motorista. Mali ‘yun pre! Pero hindi umubra ang kaangasan ni Aquino kay NCRPO Director P/Major Gen. Guillermo Eleazar. Tinanggal na sa puwesto ang maangas na pulis.

Ang hindi ko maintindihan bakit kailangang ipagyabang ang kanyang armas. Akala siguro ni Aquino hindi makakaabot sa superior ang kanyang kaangasan. Maka­bagong henerasyon na tayo ngayon at hindi na puwede ang gawain ng mga pulis noon. Ngayon mo gawin at kina­bukasan pinagpipistahan ka na sa social media.

Dahil sa road rage incident, nawalan ng trabaho si Wilson Aquino at makakasuhan pa siya. Sayang dahil ma­laki na ang suweldo niya, pero sa isang iglap nawala ito. Hindi ko naman nilalahat pero hindi pa rin maubos-ubos ang mga anay na sumisira sa imahe ng PNP.

Magkaganoon pa man, malaki pa rin ang tiwala ko sa ating mga pulis. Ayon nga sa kasabihan “a few rotten apples, do not make a whole barrel rotten”. Meron lamang mangilan-ngilang bugok sa samahan.

Karapatan ng bawat mamamayan na malaman ang resulta ng mga kasong kinasasangkutan ng public offi­cials. Tulad ng kay Delos Santos kung ito ba ay sinipa na sa kanyang Probinsyano party-list.

Show comments