KAILANGAN unahin ang pagpasa sa makabuluhang pagtaas ng sahod para sa mga guro at iba pang mga empleyado ng gobyerno na humihiling ng isang disente, makatarungan at makabuluhang dagdag sahod at hindi mumo ang sahod.
Ikinuwento ni ACT Teachers Representative France Castro, na ang mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno ay matagal nang nakikipaglaban para sa makabuluhang pagtaas ng suweldo lalo na, pagkatapos ng mabangis na pagsalakay ng TRAIN law, na nagsirit ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo pero nagawa ng Duterte administration na doblehin ang sahod ng mga pulis at sundalo.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong SONA muling ipinangako ang pagtaas ng suweldo para sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno lalo na para sa mga guro at mga nurse ngunit ang mga guro at empleyado ng gobyerno ay dismayado.
Alam ninyo bang nagsaing este mali naghain pala ng Senate Bill 200, si Senator Bong Go, na nagbibigay lamang ng ?588 pagtaas para sa Salary Grade 1 at ?591 pagtaas para sa Teacher 1.
Ano ba ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumalala na ang matagal nang mahirap na buhay, bakit magbibigay ang gobyerno ng ?500 lang na umento samantalang lagpas-lagpas Doon ang pumatong sa mga presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN na tumama sa madlang people.
Sabi nga, mas malaki ang binabayarang buwis ng mga mahihirap at mga middle class madlang people dahil ito ay ang buwis na ipinatong sa presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo na nagdulot ng masamang domino effect partikular sa mga serbisyo ng tubig at kuryente.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinihimok nila ang House at Senado na unahin ang pagpasa ng House Bill 219 ang pagtaas ng suweldo ng mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno, P30,000 para sa teacher 1 at P16,000 para sa suweldo ng grade 1.
Ano sa palagay ninyo? Abangan.
* * *
List ng prohibited items sa mga paliparan
NAGPALABAS ang Office for Transportation Security sa mga paliparan sa Philippines my Phi-lippines ng updated list ng mga prohibited items o mga items na hindi dapat dalhin sa mga airports matapos palawigin ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ang mga ipinagbabawal na mga bagay sa ilalim ng international standards.
Nilinaw ng transportation security na ang revised list ng ICAO ay subject sa special requirements o instructions mula sa airlines.
Ang mga bawal dalhin sa loob ng airport at eroplano ay mga chemicals at iba pang toxic substances.