^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Laganap ang corruption

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Laganap ang corruption

MISTULANG kanser ang corruption sapagkat halos lahat ng sangay at ahensiya ng pamahalaan ay pinasok na at nagkalat ng lagim. Kaya naman pala ganito kadahop ang bansa ay dahil sa dami ng mga corrupt sa pamahalaan. Imagine, corrupt ang mga taga-Customs, LTO, BIR, Immigration, PhilHealth at itong pinaka-latest ay ang PCSO. Susmaryusep! Alin na lang kayang tanggapan ng pamahalaan ang hindi corrupt ngayon?

Kaya naman pala sa isang oras at kalahating State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte noong nakaraang linggo ay halos ukol sa corruption ang tinalakay niya. Ayon sa kanya, patuloy ang corruption sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kaya ang banta niya, magpapatuloy daw ang paglaban niya sa corruption hanggang sa katapusan ng term niya. Hindi raw siya titigil sa paglaban. Pati sa illegal drugs ay ganundin ang kanyang gagawin.

Kahit paulit-ulit siyang nagbanta sa mga corrupt na sisibakin niya kapag nakaamoy lang siya kahit si­ngaw, pero hindi pa rin natitinag ang mga matatakaw at gahaman sa pera. Marami na siyang sinibak sa Customs, maski ang commissioner dun ay natanggal na rin dahil sa isyu ng bilyong halaga nang naka­lusot na shabu. Kamakailan, 60 Customs officials at employees ang pinatawag niya sa Malacañang at pinagmumura. Meron pa raw 100 sisibakin. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang katiwalian sa Customs.

Noong nakaraang linggo, dalawang BIR officials­ ang nahuli ng NBI sa entrapment operation makaraang mang-extort ng P160-million sa isang telecom company para ma-settle ang tax deficiencies. Ang naaresto ay sina Alfredo Pagdilao, chief assessment officer at si Agrifina Vallestero, revenue officer. Naka­takas naman ang dalawa pang kasabwat.

Corruption ang dahilan kaya ipinatigil ng Presidente ang operasyon ng PCSO. Maraming retirado at aktibong AFP at PNP officials ang nakikinabang sa gaming franchise. Pangangalanan daw ng Presidente ang mga sangkot na opisyal.

Laganap ang corruption sa maraming tanggapan. Mistulang kanser na sagad na sa buto. Hindi na uubra­ ang pa-chemo-chemo rito manapa’y dapat nang isalang sa bitayan ang mga mapapatunayang tiwali. Ito ay kung maaaprubahan ng mga mambabatas ang death penalty law. Kung hindi, pagtiisan ang mga buwaya sa mga tanggapan ng pamahalaan.

CORRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with