^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Linisin din sa mga palaboy ang lansangan sa Metro Manila

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Linisin din sa mga palaboy ang lansangan sa Metro Manila

MABILIS pa sa alas kuwatro na kumilos ang Department of Interior and Local Government (DILG) at inatasan ang lahat ng mayor sa Metro Manila na alisin ang mga sagabal sa kalsada para lumuwag sa trapiko at hindi mahirapan ang mga motorista at pasahero. Ito ay pagtalima sa utos ni Pres. Rodrigo Duterte na paluwagin ang mga kalsada sa anumang obstructions. Bawiin ang kalsada sa mga vendor na matagal nang inokupa at dinumihan. Alisin ang mga sagabal sa kalsada.

Maganda ang kautusang ito sapagkat matagal nang namamayani ang vendors sa kalsada na karamihan naman sa kanila ay walang disiplina na bukod sa nagpapasikip sa trapiko ay nag-iiwan pa ng mga plastic na basura.

Pero may isang nalimutan ang DILG na dapat ay pinag-utos na rin kasabay sa paglilinis sa mga kalsada sa Metro Manila. Ito ay ang pagdami ng mga batang palaboy na nagdudulot ng panganib sapagkat nagiging marahas na ang mga ito kapag hindi nabigyan ng limos. Karamihan sa mga batang palaboy ay sumisinghot pa ng rugby.

Noong nakaraang buwan, nag-viral sa social media ang isang batang palaboy sa EDSA na nagbantang babatuhin ang isang motorista kapag hindi nagbigay ng P100. Isa pang insidente ay ang pambabato rin ng mga batang palaboy sa Osmeña Highway sa mga motoristang ayaw magbigay ng limos. Karaniwang panakot na ibabato ay dumi ng tao.

Nakakatakot na ang mga batang palaboy at maaaring makapatay sila kung hindi huhulihin at ipagkakaloob sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kamakailan, isang jeepney driver na ang biyahe ay Port Area sa Maynila ang pinagtulungang bugbugin ng mga batang palaboy. Umakyat ang mga palaboy sa jeepney at tinangkang kunin ang perang kinita ng drayber. Lumaban ang drayber pero dahil may edad na, hindi siya umubra sa mga bata. Pinagsusuntok siya at kinalmot. Makaraang bugbugin, tinangay ang kinita at saka tumakas ang mga palaboy. Isang pangyayari pa na halos ganito rin ang eksena ay nang pagtulungan ng mga palaboy ang isang babaing pasahero ng jeepney nang tumanggi itong ibigay ang pagkain.

Linisin ang mga lansangan hindi lang sa mga sagabal sa trapiko kundi pati na rin sa mga palaboy. Alisin sila sa mga kalsada para mapanatag din ang kalooban ng mga motorista, pasahero at iba pa.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with