Sindikato ng human smuggling sa NAIA, nataranta sa pagpunta ni SoJ Guevarra
IBINULONG sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na bukas as in open na ang human smuggling operations sa tatlong international terminals ng NAIA, kaya naman ang mga sindikato sa NAIA - Immigration ay tuwang-tuwa sa galak.
Two days ago, hindi mapakali ang mga sindikato r’yan sa NAIA-Immigration nang pumunta at makipagpulong si SoJ Secretary Menardo Guevarra sa mga opisyal ng MIAA at kay DOTr Secretary Art Tugade porke hindi nila malaman kung ano ang mahalagang bagay na pag-uusapan sa meeting sa airport.
‘Aligaga ang mga kamote, parang mga ipis na takot na takot ang mga ito sa pag-aakalang matatapakan ang kanilang illegal operations sa paliparan at masibak sila sa NAIA,’ sabi ng kuwagong hilo.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi mapa-kali sina alyas Papa G, Dennis ‘Pisngi’ at mga kaalyado nila sa human smuggling dahil sa nerbiyos sa akalang mabanggit ni Guevarra ang kanilang mga pangalan tungkol sa isyu ng pamamasahero sa NAIA.
Si alyas Dennis ‘Pisngi’ kasi ang utak ng illegal Chinese POGO workers sa NAIA Terminal 2, kaparte sa pera ang amo nitong si alyas Papa G kaya happy together ang dalawang economic saboteurs.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakalma lang ang mga sindikato sa paliparan ng makatanggap ng text messages ang mga ulol na ang pinagusapan sa pagpupulong ay tungkol sa kaayusan ng sistema sa international immigration arrival at departure area partikular sa NAIA Terminal 2 at 3.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinuri ng mga opisyal sa meeting ang maayos na sistema ng pilahan ng mga incoming at outgoing passengers sa NAIA Terminal 1.
‘Naglundagan ang mga grupo ng mga sindikato ng human smuggling porke hindi pala sila kasali sa pinag-usapan sa pulong kaya naman balik ‘open’ ang operasyon sa pamamasahero ng mga animal.’ sabi ng kuwagong sumbungero.
Ibinulong sa mga kuwago, na P50,000 per passenger na may depektong dokumento going abroad para illegal na makapag-trabaho sa gusto nilang puntahan ang asking price ng mga kurap na immigration sa airport. Alam kaya ito ni Aton Lopez, ang acting overall chief ng BI-Travel Control Enforcement Unit sa NAIA?
“Ano kaya ang masasabi niya rito? Natunugan kaya nila ang operasyon ngayon sa kanilang jurisdiction?” tanong ng kuwagong binubukulan. Abangan.
* * *
Sierra Madre Masonic Lodge 181, golf tournament
BUKAS ang ika - 7th Invitational Golf Tournament ng Sierra Madre Masonic Lodge 181 sa pakikipagtulungan ng Paete Square and Compass Club, d’yan sa Caliraya Spring Golf, Bay Talaongan, Cavinti, Laguna.
Ang nasabing fund raising golf tournament ay pa-ngungunahan si WM Jun Paygane at ang kikitain ng palaro ay para sa pagpapagawa ng kanilang Masonic Temple.
Makipag-ugnayan lamang kay Bro Edgar ‘alagain’ Certifico, chairman ng golf tournament, sa 0917-804-97-54, sa iba pang mga details.
Ano pa ang inaantay ninyo, sali na at maglaro!
- Latest