^

PSN Opinyon

Kadiri si Atorni

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

SA kanyang sagot, itinanggi ni Greg na may ginawa siyang imoralidad. Si Liza raw ay bagong business partner lang niya at wala nga raw ebidensiya na kahit isang litrato na nagpapakitang magkasama sila ni Liza. Hindi lang daw niya matiis ang pag-uugali ni Linda kaya siya lumayas at nakipisan sa kanyang mga magulang.

Samantala, naglabas ng desisyon ang OMB. Napatunayan na may ginawang immoral at nakakahiyang kilos si Greg na malinaw na paglabag sa patakaran na dapat sundin ng mga kawani ng gobyerno. Sinuspinde siya sa loob ng anim na buwan at kinatigan ng CA ang desisyon.

Sa kabilang banda, kumilos naman ang IBP Board of Governors at ibinasura ang kaso ni Linda. Hindi raw nagkasala si Greg kahit pa may relasyon siya kay Liza at kulang daw ang ebidensiya para patunayan ang paratang dahil walang kahit isang litrato na nagpapatotoo rito.

Hindi umayon ang Supreme Court sa rekomendasyon ng IBP. Ayon sa SC, bilang isang miyembro, dapat na sumunod si Greg sa pinakamataas na antas ng moralidad na hinihingi sa mga tulad niyang abogado ayon na rin sa Code of Professional Responsibility.

Ang ginawa ni Greg na pag-iwan sa kanyang asawa  para sumama sa ibang babae ay malinaw na immoral na gawain. Puwede pa nga siyang kasuhan ng concubinage o adultery at ipinakita ni Greg na wala siyang pakialam sa sasabihin sa kanya ng madla basta masunod lang ang kanyang pambababae. Para maging basehan ng parusa, dapat ay puwede na siyang kasuhan ng kasong kriminal at ito mismo ang naging sitwasyon ni Greg.

Sa parte naman ni Linda, mas matibay at kapani-paniwala ang naipakita niyang ebidensiya kaysa kay Greg. Ayon sa SC, ang pag-iwan sa kanyang mag-iina para lamang sumama sa kanyang kabit  na may-asawa rin ay tunay na paglabag sa patuntunan ng moralidad. Walang kahihiyan at sapat para patunayan ang kasong gross immorality. Hindi na kailangan pa ng litrato bilang dagdag na ebidensiya.

Dahil sa nakakahiyang ginawa at iskandalong kinasangkutan ni Greg  ay ipinakita niyang wala siya ng tinatawag na “good moral character” na kailangan para hayaan siyang ipagpatuloy ang kanyang karera bilang abogado. Tama lang na tanggalan siya ng lisensiya. Ang desisyong ito ay kapareho ng Administrative Case (AC No. 8335, April 10, 2019).

ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with