^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Cleansing program ng PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Cleansing program  ng PNP

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang internal cleansing program na ang layunin ay maituwid ang masamang pag-uugali ng mga pulis. Sa ilalim ng cleansing program, ipatu­tupad ang tinatawag na cadet culture squad na kinuha ang konsepto sa Philippine Military Academy (PMA). Sa ilalim ng culture squad, mayroong leader na gagabay sa squad members kaya maitutuwid ang masamang attitude nito. Bukod sa mapapanuto ang pag-uugali, mahuhubog din ang pulis sa kanyang spiritual at family values. Ang PNP units ay hahatiin sa squad na binubuo ng anim hanggang walong pulis.

Unang isasagawa ang squad concept sa Metro Manila kung saan, maraming pulis ang may hindi kanais-nais na pag-uugali. Kabilang sa mga pulis na isasalang sa konsepto ay ang mga pulis na may mga nakapending na kaso at ang mga may suspension at na-demote sa puwesto na apektado ang pagkuha ng suweldo at mga benepisyo.

Maganda ang balak na ito ng PNP at maaaring maituwid pa ang mga pulis na naliligaw ng landas. Kung ang mga pulis ay magiging relihiyoso at may pagmamahal sa kanilang pamilya, tiyak nang makababawi sa pagkalugmok ang buong PNP. Sa kasalukuyan, hindi pa rin lubusang nakababangon ang PNP sa masamang imahe na ang mga sariling miyembro ang may kagagawan. Sa kabila na nagsu­sumikap si PNP chief General Oscar Albayalde at NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar para ma­ituwid ang mga pulis na naliligaw ng landas marami pa rin ang hindi sumusunod.

Kamakailan lang, isang pulis San Juan ang nagalit at pinitserahan ang isang lalaki nang masingitan siya sa pila habang bumibili ng pagkain. Sinibak na ito ni Eleazar. Noong isang araw, isang pulis sa Marikina ang kinastigo ni Eleazar dahil sa pambabatok sa isang walong taong gulang na bata. Isasa­ilalim sa training ang dalawang pulis.

Napabalita rin na maraming pulis ang hindi nagsusustento sa kanilang pamilya sa kabila na malaki na ang suweldo. Umano’y maraming kabit ang mga pulis at may mga anak sa ibang babae na sinusustentuhan.

Nararapat ang cleansing program para maituwid ang mga pulis. Sana magtagumpay ang planong ito.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with